in

Karagdagang anim na buwan para sa mga temporary workers

Sa draft ng decree na tinaguriang ‘mille proroghe’ ay in-extend hanggang June 30, 2012 ang validity ng kontrata ng 650 temporary workers ng mga Questure at Prefecture. “Kinakailangan para sa pagpapatuloy ng mga tanggapan”.

altRome – Ang mga walang katiyakan manggaggawa (precari) ng immigration para sa isang bagong extension. Hindi pa rin tiyak ang kapanatagang hinihintay ng taon na, isang bagay na halos hindi na inaasahan ninuman.

Anim na daang mga dayuhang temporary workers, sa mga tanggapan ng mga Questure at mga Sportelli Unici para sa Immigration ay nanganganib ng isang mapait na Bagong taon, dahil sa nalalapit na expiration ng kanilang mga kontrata. Isang bagay na apektado ang libu libong mga umaasa sa mga tanggapang ito tulad ng mga migrante at mga employer para sa kanilang mga permit to stay, dokumentasyon ng family reunification, regularization at mga bagong hiring.

Ang mga Prefects at Questors ay sumulat na sa mga nakakataas ng Ministeryo na nangangamba sa magiging paralisis ng kanilang mga opisina at tila hindi nagsayang lamang ng tinta . Si Anna Maria Cancellieri, na alam ang kakulangan sa human resources sa kanyang ministeryo ay idinagdag pa ang mga kontrata ng mga ‘precari’ sa imigrasyon sa gitna ng mga “maraming extension” ng decree na bukas ay tatalakayin sa konseho ng mga ministro, ang extension hanggang sa katapusan ng Hunyo.

“Ang panahon na tinutukoy sa Artikulo 2, talata 6 ng Batas ng Disyembre 29, 2010, n.225, napalitan ng mga susog, sa batas noong Pebrero 26, 2011, No 10, ay pinahaba hanggang Hunyo 30, 2012,” tulad ng mababasa sa draft ng dekreto. At idinagdag: “Ang mga gastos sa ilalim ng artikulong ito, katumbas ng 10,450 million euros, ay accounted sa pamamagitan ng paggamit ng  pondong tinutukoy sa Artikulo 33, talata 8 ng Batas ng Nobyembre 12, 2011, bilang 183 sa bahaging inilalaan sa Ministry of Interior. “

Isang maikling ulat kasama ang decree na nagpapaliwanag na sa paraang ito ay masisiguro ang “buong operasyon” ng mga opisina ukol sa immigration. Ang mga manggagawa, “ay lubhang mabigat ang trabaho sa komplikadong proseso ng regularization, karagdagang bigat sa pagpapatupad ng Integration Agreement, na ipapatupad sa susunod na Marso, na mangangailangan ng mga pagsusumikap para sa maayos na organisasyon, sila ay may matibay na kontribusyon sa paglago sa karanasan na nakuha sa pamamagitan ng mga tauhan mismo. “

Sa madaling salita, mula sa ngayon, kung wala ang mga temporary workers, ang mga Questura at Prefecture ay hindi maaaring magpatuloy at magmula sa Marso 2012, sa pagpapatupad ng Integration Agreement ay lalong magiging mahalaga ang kanilang mga presensya. Totoo ang lahat ng ito, ngunit paano magpapatuloy ang mga tanggapang ito matapos ang ika-30 ng Hunyo?

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Expired ang aking Philippine passport, paano ako makakauwi ng Pilipinas?

Ano ang REPORT OF BIRTH o ROB ?