in

Mga insulto sa FB sa bagong mamamayang Italyano

Bettazzi (PDL),  naggawad ng Italian citizenship sa isang Intsik. Ang ilan sa kanyang mga kaibigan ay hindi ito nagustuhan.

Rome – Bettazzi Maurizio, PDL, ang pangulo ng Konseho ng Lunsod ng Prato.

altIsang lungsod na simbolo ng Chinese immigration sa Italya, kung saan kadalasan ay nagiging Italyano ang mga miyembro ng komunidad. “Kaninang umaga sa tanggapan ng Civil registrar at Citizenship sa plasa S. Nicholas ay iginawad ko ang Italian citizenship, matapos ang panunumpa ng katapatan sa Republika ng Italya, sa isang dating mamamayang Intsik. “Maligayang pagdating sa aming komunidad”, paglalathala ni Bettazzi sa kanyang FB profile, kasama ang larawan ng seremonya.

Ngunit sa wall ng profile, kasama ang ilang mga mensahe ng pagbati, ay lumitaw ang ilan na may ibang sensyales.

“Kung siya ay nanumpa, ito ay nangangahulugan na magbabayad din sya ng buwis, basura, kontribusyon, multa, susunod sa mga regulasyon at batas ng munisipyo??” insulto ni Francesco D’Innocenti. “Na gawing publikong ang kanyang tax return!” komento ni Fabrizio Benedetti. Higit na lantarang komento ni Luciano Innocenti: “Hindi ko gusto, ay hindi sya kaylanman magiging Italyano,” habang isang pinong komento naman mula kay Alessandra Biondi: “Anong citizenship … na mapunta sya sa dumi…… at doon manatili”

Sa ilalim ng larawan ay matatagpuan ang mga mas malalang insulto, pagkatapos ay inalis ito ni Bettazzi, at sa pamamagitan par in ng Facebook ay sinabing: “Nalulungkot ako sa paglabas ng mga di magandang komento, ipina-paalala ko na ang binatang ito ay gumawa ng isang mahalagang desisyon para sa kanyang sarili, para sa kanyang kinabukasan”. At para din sa kinabukasan ng Italya, kami na ang magsasabi, ngunit kailangang ipaunawa ito sa ilang ‘kaibigan’ ng pangulo ng Konseho ng Lunsod …

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang REPORT OF BIRTH o ROB ?

CGIL : Pag-isipang mabuti ang Direct Hire at gawing regular ang may trabaho