Inilatag ng Ministry of Interior sa Senado ang bagong alituntunin ng mga programa nito. “Malaking hamon, ngunit ang Italya ay magtatagumpay”
Rome – Ang pagsamahin ang paghihigpit at pagtanggap sa politika ng imigrasyon. Ito ang hindi madaling hamon na itinakda ng bagong Interior Minister Annamaria Cancellieri, na buong tiwala na malalampasan ng Italya ang hamon.
Ito ang mga ipinaliwanag niya noong Disyembre sa Senado, kasabay ang paglalatag ng mga alituntunin ng kanyang Ministry sa Committee on Constitutional Affairs. Narito ang paglalahad ukol sa immigration.
Ayon kay Cancellieri, “ang anumang pagkilos, kabilang ang bilateral na kooperasyon, sa larangan ng pakikipagtulungan sa mga pulis at sa politika ng migrasyon at asylum, lalo na sa kalapit na bansa, mga bansang malapit sa North Africa pati parte ng Balkans ay “dapat isama ang hindi maiiwasang prinsipyong may kinalaman sa kaligtasan ng publiko, at pagkakaisa base sa European construction . isang mabigat na hamon, ngunit ang Italya – pagtatapos pa ng Ministro – ay matutunang harapin ang mahalagang layuning ito ng bawat mauunlad na bansa ng hindi masisiraan ng loob dahil sa paghihirap at takot, ay dadamayan sa pamamagitan ng ating mga kultura at tradisyon at sa pamamagitan ng gabay ng pinakamataas na prinsipyo ng pagkakaisa na ipinahayag ng Saligang-Batas. “
Ang head ng Ministry ay naniniwala na dapat “pagsamahin ang katatagan at mahinay na paghusga”, na isinasaalang-alang ang “mga pangangailangan pantao kasama ang paglupig sa pananamantala at paglaban sa network na nagsasa-ayos ng krimen ng pagpupuslit ng mga migrante. Aking pangako. – paliwanag pa ni Cancellieri – ay mapupunta sa magagandang hangarin ang European fund para sa integrasyon, upang mapadali ang integrasyon ng mga dayuhan sa bansa “.
“Ito ay isang mabigat na hamon, ngunit ang Italya – pagtatapos pa ng Ministro – ay matutunang harapin ang mahalagang layuning ito ng bawat mauunlad na bansa ng hindi masisiraan ng loob dahil sa paghihirap at takot, ay dadamayan sa pamamagitan ng ating mga kultura at tradisyon at sa pamamagitan ng gabay ng pinakamataas na prinsipyo ng pagkakaisa na ipinahayag ng Saligang-Batas. “