Torino – Methamphetamine, ang bawal na gamot ng mga Hapong kamikaze noong World War I.”Mas malakas ng hanggang 9 na beses sa kokaina,” paliwanag ni EugeneMasino, pinuno ng mga Hawks na kumumpiska sa ipinagbabawal na gamot na handang hatiin sa 400 dosage noong nakaraang Biyernes. “Kakaunti lamang ito, halos 10 grms lamang ngunit ang epekto ay nakakagimbal sa lakas”.
Ang crystal methamphetamine ay hinati sa dalawang pinagtaguan nito, sa swelas at sa dila ng sapatos na natagpuan sa bahay ng isang Filipino PSC, 32 anyos, isang care giver na Filipino sa Turin. “Ito ay nagkakahalaga ng 800 euros bawat gramo”, ayon pa kay Masino habang isinasaayos sa kanyang table ang mga dokumentasyon ng ginawang pagsubaybay dito.
Ang methamphetamineay maaaring pausukan, singhutin o, i-iniksyon. May nakakakilabot na epekto. Mabilis na sinisira ang cell sa labas ng utak at nag-iiwan ng dopammina, isang uri ng “chemical key” ng kasiyahan ng tao. Sa puntong ito, ang utak ay pinapatay ang neurons na pumoprotekta sa mabilis na pagdami ng dopammina. Ang utak ng ‘drug user’ ay hindi na kayman lilikha ng dopamina sa normal na paraan, kahit pa sa paghinto ng drug user. Sa loob ng dalawang taon, ang katawan ay mabilis na tatanda ng 40 taon.
Ang Hawks sa pamamagitan ng isang report ayni-raid ang bahay ng Filipino. Tumanggi ang Filipino na nag-iiyak ng natagpuan ng mga pulis ang droga. “Pang personal use ko lamang ito” ngunit hindi ito pinaniniwalaan hanggang sa kasalukuyan at patuloy na iniimbistigahan upang malaman kung para kanino ang droga.