in

Di Giovan Paolo (PD): “Boto sa lokal na halalan para sa mga migrante”

Ang paninirahan ng mga dayuhan sa ating bansa ay napakahalaga pati na rin upang patatagin ang ating social security system”. alt

Roma, 30 dec. 2011 – “Ayon sa pananaw ng Istat tungkol sa mga dayuhan sa ating bansa ay nagsasabi sa atin na hindi tayo pwedeng manatili sa batas na pinaiiral sa kasalukuyan. Dapat na tayong dumako sa “ius soli” upang hindi na sila ituring na mamamayang nasa kategoriyang Serie B. Natapos na ang debate, ang batas sa pagkamamamayan (law on citizenship) ng mga dayuhang menor de edad ay mababago lamang kung ang inihaing panukalang batas ay isasama sa kalendaryo, pag-usapan at bobotohan”.

   Ito ay pinagtibay ng senador na si Roberto Di Giovan Paolo (Pd), ang secretary of the European Affairs Commission.

Pagkatapos na pagkatapos ng bakasyon, maaari na nating isagawa ang mga salita – pagpapatuloy ni Di Giovan Paolo. Noon kasing 2009 ang proposal nina Sarubbi-Granata ay hindi nakarating sa kampo ni Fini ng Pdl upang ito ay botohan. Sinabi niya sa akin na imungkahi ko ang panukalang batas ng Ius soli. Ito ay may mga patakarang iniaaplay na ng maraming taon sa mga Liberal Countries tulad ng Amerika at Pransya.    

Inuulit ko na ang mga dayuhan sa ating bansa ay napakahalaga pati na rin upang patatagin ang ating social security system. Ang pantay na tungkulin ay dapat katumbas ng pantay na karapatan, kaya nga’t dahil dito para sa akin, nararapat lamang na ibigay na rin ang administrative vote o boto sa lokal na halalan para mga dayuhan”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Fiaip: “Mga dayuhan, mas mahusay magbayad ng house rental”

ISTAT: Magiging tatlong doble ang popolasyon ng mga migrante sa taong 2065