Magkano aabutin ang mga bayarin tulad ng mga buwis at kontribusyon ng 500,000 migrante na sa ngayon ay iligal? Sa gobyerno ni Monti at sa buong Italya, dapat yata ay magkwenta muna.
Rome – Isang regularization para sa pag-unlad. Upang magbigay ng permit to stay sa sinumang dayuhan na mayroong trabaho, na ngayon ay walang dokumento, ngunti ang bukas ay tila maliwanag pa sa sikat ng araw. Ito ay upang magbigay ng dagdag buwis at mga kontribusyon sa gobyerno.
Ang ikalawang parte ng gobyerno ni Monti, ay dapat na mapa-unlad ang ekonomiya, at kabilang dapat sa kalkulasyon ang 500,000 hindi regular na mga dayuhan. Kung ang bansa ay talagang nagnanais na muling pumayagpag, hindi dapat balewalain ang isang malaking bilang na ito. Dapat ay kanyang pakawalan at gamitin ang pagkakataong ito bilang pwersang ipinagkakaloob ng mga manggagawa.
Namumuhay tayo sa isang emerhensyang walang pinagmulan? Inihahayag sa lahat ang mga sakripisyo na hindi inisip kahit noong nakaraang taon sapagkat ang katanungan ay kung paano mag-aabot ang mga kwenta? Kaya dapat ding isipin ang benepisyo na maaaring ibigay ng regularization ng 500,000 mga dayuhan.
Subukin nating kwentahin at tila hindi maliit na halaga ang idudulot nito (500 € bawat isa, tulad ng halaga ng huling regularization, at ito ay agad na magbibigay ng € 250,000,000), ngunit maglalahong parang bula sa patuloy na hahayaan ang mga ito.
Ang Ismu ay tinantyang aabot sa 6,000 euro bawat taon ang buwis at kontribusyon ng bawat regular. Mula sa data na ito, ang regularization ay maaaring maghatid ng € 3 bilyong bawat taon. Mas mataas na kalkula mula naman sa CGIL, “Halos 5.6 bilyon bawat taon, kasama ang buwis at kontribusyon sa social security, o 1 point ng GDP sa tatlong taon,” sulat ng unyon.
Gayunpaman subukang gamitin ang matematika, isang katerbang pera. Isang mahusay na panakip sa anumang uri ng badyet, lalo na sa Italya. Ano sa tingin ninyo ang Prof?