Ang Ministry of Interior ay nag-lathala ng gabay para sa mga programa na pinamamahalaan ng internasyonal na organisasyon, mga lokal na awtoridad at asosasyon. Di Giacomo (IOM): “Inaasahan namin ang maraming request mula sa mga tao na nagnanais tumakas mula sa pananamantala”
Rome – Ang kusang-loob na pagpapabalik sa sariling bayan (rimpatrio volontario) ay isa sa mga pagkakataong inaalok sa mga iligal na imigrante mula pa noong nakaraang summer, noong ang Italya ay iniakma sa European law ang batas sa deportasyon.
Upang matulungan ang mga taong nais na umuwi ngunit hindi ito magawa nang nag-iisa, ang batas ay nagbibigay din ng programa ng pagtulong sa mga kusang-loob na babalik ng sariling bansa. Hanggang sa ngayon, ay nanatiling papel lamang ito at naghintay sa Interior Ministry na tukuyin kung paano ito dapat ipatupad, ngunit ang mga alituntunin na nailathala ilang araw na ang nakaraan ay nagbago ng sitwasyon.
Ang mga programa, ayon sa atas, ay maaaring maasahan sa buong proseso mula sa Italya hanggang sa bansang pinagmulan, mula sa impormasyon at tulong sa pagsusumite ng mga aplikasyon hanggang sa biyahe pabalik ng sariling bansa.Maaari rin itong magbigay ng pinansiyal na pabaon para sa mga pangunahing pangangailangan, pati na rin ang support para sa reintegration sa sariling bansa.
Ang sinumang nagnanais na lumahok sa isa sa mga programa ay dapat magsumite ng application sa Prefecture, na magbibigay ng go signal matapos ang inspeksyon ng Questura , batay sa availability ng puwesto at pondo na mayroong limitadong bilang lamang. Mayroong pribiliheyo na mauna ang mga may sakit, mga biktima ng trafficking, mga mayroong humanitarian permit o International protection. Susunod ang mga imigrante na walang sapat na requirements upang i-renew ang permit to stay, at bilang panghuli, marahil na pinaka-marami, ang mga hindi regular na binigyan ng order of expulsion.
Pinondohan ng Fondo Rimpatri (ang isa na popondohan ng bagong buwis sa mga permit to stay) at ilang European fund, ang mga programa ay ipo-promote ng Ministry of Interior, sa pakikipagtulungan ng mga rehiyon at lokal na awtoridad, at International organization at intergovernmental organization o association na maituturing na bihasa sa larangang ito. Ang pagpaplano at ang pagpili ng actuators ay ipinagkatiwala sa Civil liberty at Immigration Department ng Interior Ministry.
“Ang pagkakaroon ng mga programa para sa assisted deportation ay napakahalaga. Sa sinumang gustong umuwi at higit sa lahat sa mga hindi nagawang ma-integrate sa Italya sa pagkakaroon ng permit to stay o ng trabaho at maaaring nagnanais takasan ang isang pananamantala. Inaasahan namin ang maraming mga request, “sabi ni Flavio Di Giacomo, ang tagapagsalita para sa Italian mission ng International Organization for Migration.
Ang IOM ay nagpapatakbo ng ilang mga programa sa Italya na nakalaan sa kusang-loob na pagbabalik sa sariling bansa ng mga refuges mula sa Libya at ng mga North Africa na dumagsa sa Sisilya sa panahon ng “Arab Spring”. Noong 2011, ay tinulungan ang limangdaang katao upang bumalik sa sariling bansa at magbagong buhay, isang makataong aktibidad na sinubaybayan sa pamamagitan ng mga operators nito sa 130 bansa sa buong mundo.
“Higit sa isang maliit na halaga para sa mga pangunahing pangangailangan, ay hindi kami nagbibigay ng cash, ngunit produkto at serbisyo na maaaring makatulong sa kanilang reintegration sa sinilangang bansa,” sabi ni Di Giacomo. Ang ilang mga halimbawa? “Kami ay bumili ng isang van para sa isang kabataang African, na nagnanais mag-umpisa ng isang maliit na tindahan ng prutas.