Magmula sa Enero 25 ay magsisimula sa Turin ang serbisyo ng cultural mediators at psychologists.
Turin, Enero 11, 2011 – Upang matulungan ang mga imigrante sa Italya na nagnanais makasama ang pamilya, ang asawa o mga anak na naiwan sa sariling bansa, ngunit nahihirapan sa proseso ng dokumentasyon ng family reunification at nahihirapan ang pamilya sa bagong realidad, ang Probinsiya ng Turin at ang Pastoral Migrant’s Office ay gumawa ng isang proyekto ng mga pagtitipon na tatalakay sa tamang proseso ng family reunification.
Magmula sa Enero 25 ay magsisimula sa Turin ang mga pagtitipon, kasama ang mga cultural mediators at psychologists.
Sa Enero 25 ay pag-uusapan ang normal na proseso, Pebrero 3 ang paglisan at mga pagbabago,at Pebrero 10 ang paghahanda sa paglipad, ang paghihiwalay at mga inaaasahan at sa wakas sa Pebrero 22 ang serbisyo at tulong sa pamamagitan ng web. Ang mga nasabing pagtitipon ay libre.