in

Bonus Bebè 2011 handog ng Regione Lazio

Kasabay ng pagdating ng bagong miyembro ng pamilya, maaaring ang pagsilang ng sanggol o ang pag-aampon ng isang bata, ang  isang magandang balita para sa lahat ng pamilya na residente ng Regione Lazio.

altRome – Bonus Bebè 2011, isang benepisyo buhat sa Regione Lazio ang ipinagkakaloob sa mga pamilya na nadagdagan ang miyembro nito sa pagsilang ng isang sanggol o sa pag-aampon ng isa o higit pang bata sa taong 2011,  magmula Enero 1 hanggang Disyembre 31. Ito ay nagkakahalaga ng 450 euro na maaaring gamitin sa mga pangangailangan ng bagong miyembro ng pamilya.

Ang Bonus Bebè ay bahagi ng proyekto ng Piano Famiglia 2011, na inaprubahan noong Hunyo DGR 272 del 10/06/2011 at pinondohan ng batas Determinazione B7443 del 29/09/2011.

Maaaring magsumite ng aplikasyon at humiling ng benepisyo ang mga magulang sa pamamagitan ng Munisipyo na sumasakop sa tirahan. Ang mga aplikasyon ay maaaring tanggapin hanggang Enero 31, 2012 kung may sapat na requirements tulad ng:
–    residente sa rehiyon ng Lazio na hindi bababà sa tatlong taon ng ipinanganak ang sanggol o ng mag-ampon ng isa o higit pang bata
–    ang ISEE (o family financial status indicator) ay katumbas o mas mababa sa 20,000 euro.
–    ipinanganak ang sanggol o nag-ampon ng isa o higit pang bata mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2011

Kumpilahan ang form at ilakip ang ISEE, ang birth certificate o self- certification ng kapanganakan ng sanggol. Sa pag-aampon naman ay dapat ilakip ang final documentation mula sa Tribunale dei Minorenni, at ang kopya ng permit to stay.

Para sa mga karagdagang impormasyon ay maaaring lumapit sa Munisipyo o sa mga Patronato na malapit sa inyong tahanan. Maaari ring kunsultahin ang website ng Regione Lazio.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Balik P550 ang terminal fee sa mga international flight!

“Hindi makatarungang ibilang ang mga imigrante sa civil service!” – Borghezio