in

Sportello Unico, nagbawas ng empleyado sa nalalapit na pagpapatupad ng integration agreement

Sportello Unico per l’Immigrazione sa Roma patuloy ang paghahanda: “Mangangailangan kami ng mga resources”. Ngunit pansamantalang mababawasan ang mga empleyado. “Kakayanin naman namin kung hindi magkakaroon ng direct hire at regularization”.

altRome – 20 Enero 2012 – Ang Sportello Unico per l’Immigrazione sa Rome ay kasalukuyang naghahanda ngunit umaasa na sa pagbabawas ng mga empleyado ay hindi madadagdagan ang kanilang gawain sa pamamagitan ng direct hire at regularization. Magiging mahirap para sa isang tanggapan na madagdagan ang mga gawain kung kailan nagbabawas ng tauhan.

Ang mga pagbabagong hinangad ng nakaraang gobyerno ay ipatutupad na simula sa Marso 10. Mula sa araw na iyon, ang lahat ng mga bagong darating sa Italya na imigrante ay dapat pumirma sa isang kasunduan kung saan ay sasang-ayon na aabutin ang mga layunin nito, tulad ng kaalaman sa wikang Italyano. Matapos ang dalawang taon, ay susuriin kung karapat-dapat manatili sa Italya o hindi. Ang mabigat na trabaho para sa mga tanggapan , ay magsisimula sa 2013, ngunit mararamdaman na rin ito sa mga susunod na buwan.

“Una sa lahat, kailangan pag-ukulan ng panahon at mga tauhan ang pagpirma sa kontrata, na hindi madali. Dapat naming ipaliwanag ng mabuti sa dayuhan ang kanilang pangako at kinakailangan din naming suriin ang mga karagdagang impormasyon bukod sa aming ginagawa sa ngayon”, paliwanag ng vice-prefect Fernando Santoriello, ang head ng SUI sa Rome.

Sa loob ng tatlong buwan matapos pirmahan ng imigrante ang ‘kasunduan’ ay tatawagin ng SUI upang obligadong sumali sa mga kurso ng “Sibika at Pamumuhay sa Italya”. Ang Interior Ministry ay naghahanda ng mini-multimedia-course ng kalahating araw, na isinalin sa maraming wika, na susundan sa computer. Ang isa pang nangangailangan ng organisasyon, lalo na sa mga probinsya na mayroong mas maraming imigrante.

“Kami – kalkulasyon ng manager – ay kailangang mag-ayos ng mga session para sa walumpung katao bawat araw. Wala tayong multimedia rooms na mayroong maraming computers, maaaring umupa kami. Bukod dito ay kailangang magtanggal kami ng mga empleyado sa mga SUI para dito at mangasiwa sa mga kursong ito. “

May darating bang tulong sa pagharap sa mahalagang pagbabagong ito? Para sa ngayon, ay tila kabaligtaran ang mga nangyayari. Sa SUI sa Roma ay mayroong 9 na empleyado mula sa Ministry of Interior at halos 20 empleyado at 7 cultural mediators na sa nalalapit na Hunyo ay magtatapos ang kontrata. Hanggang Disyembre 31 ay mayroong 17 empleyado ng Formez, ngunit hindi na ni-renew ang kanilang kontrata sa kawalan ng pondo at maaaring ganito rin ang mangyari sa mga mediators sa katapusan ng Pebrero.

Ang pagbabawas sa human resources o tauhan ng nasabing tanggapan ay naging sanhi rin upang baguhin ang sistema nito tulad ng pagtanggap lamang sa publiko by appointment na lamang kahit para sa isang simpleng impormasyon lamang. Ngayon sa pagpapatupad ng “Integration agreement” ay tila hindi magkaintindihan dahil halos kalahati ang nawalang mga empleyado kumpara noong nakaraang taon.

Maaari bang magpatuloy ang ganitong sitwasyon? “Sa ngayon, ay sinusubukan naming harapin ito, dahil kasalukuyang tinatapos ang regularization ng 2009, pati ang direct hire 2010, ayos ang scheduling ng Italian language test para sa carta di soggiorno” sagot ni Santoriello. Ngunit kung magkakaroon ng bagong direct hire o bagong regularization? “Sa kasalukuyang sitwasyon- pag-amin pa nito- ay magiging napakahirap na pangasiwaan ang anumang karagdagang trabaho.”

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoys can visit at least 20 countries without visas – DFA

Populasyon sa Italya, lumalago dahil sa mga imigrante