Ang Konseho ng Roma Capitale ay naglahad ng isang motion kung saan ay iminumungkahi ang pagkilala sa lahat ng anak ng mga imigranteng ipinanganak sa Italya bilang ‘honorary citizen’, matapos ang isang pagsusuri ng integration, social at cultural insertion ng mga magulang nito.
Roma, 31 Enero 2012 -”Ito ay isang symbolical, cultural at civic recognition upang himukin ang Parlamento na baguhin ang kasalukuyang batas, na hindi nagkakaloob ng citizenship hanggang sa edad na 18, sa mga imigrante na ipinanganak sa Italya ”.
Ito ang pahayag ng PD (Democratic Party) councillors na sina Athos De Luca, kasama si Palo Masini, bilang sagot sa panawagan ng Pangulo na naghayag: ”Isang kahangalan ang hindi pagkilala bilang mamamayan ng bansang Italya sa mga batang imigrante na ipinanganak sa Italya”, at bilang pagsunod sa mga halimbawa ng maraming lungsod tulad ng Pesaro, Milan, Turin at Naples.
Ang dalawang lider ng Democratic Party ay naglahad ng isang mosyon sa Konseho ng Roma Capitale, na naglalayong kilalanin bilang ‘honorary citizen’, ang lahat ng mga anak ng imigrante na ipinanganak sa Italya, matapos ang pagsusuri ng integration, social at cultural insertion ng mga magulang sa bansang Italya.
Sa paghahambing ng mga bilang ng citizenships na ipinagkaloob sa mga dayuhang residente ng European countries, higit na mataas ang porsyento ng Portugal (5.8 citizenships sa bawat isandaang banyagang), Sweden (5.3), United Kingdom (4.5 ). Ang European average ay 2.4 at ang Italya ay mas mababa, at mayroon lamang 1, 5.
”Sa sinumang ipinanganak sa Italya – pagpapatuloy pa ni De Luca at Masini – ay mayroon lamang sandaling panahon, sa pagitan ng 18 at 19 na taong gulang at magbabayad ng € 200, tulad ng nilalaman ng batas (pacchetto sicurezza) ni Maroni sa pag-aaplay ng citizenship. Na ayon sa kasalukuyang batas, kung hindi makakahanap ng trabaho o hindi magpapatuloy sa edukasyon – paalala ng dalawang kinatawan ng Democratic Party – ay magiging isang irregular na dayuhan”.
”Ngunit mag-ingat: ang mga anak ng mga imigrante ay dapat na naninirahan ng tuloy-tuloy sa Italya at kailangang patunayan sa pamamagitan ng mga sertipiko ng bakuna at pagpasok sa paaralan dahil sapat na ang isang bakasyon sa sariling bansa – pagtatapos pa ng dalawa – o isang kawalan ng abiso sa paglipat ng tirahan upang maging sanhi ng hindi pagbibigay ng citizenship. Sa Italya ang karapatan ng pagkamamamayan ay hindi ipinagkakaloob sa simpleng katotohanan ng pagsilang sa bansa at, samakatuwid, ang legal na katayuan ng mga banyagang mga bata na ipinanganak sa Italya, ay nauugnay sa kalagayan ng mga magulang.”