in

Bakit mahal na ang mga certificates mula sa Munisipyo?

Ako po ay nagtungo sa Munisipyong sumasakop sa aking tirahan upang humingi ng certificato di residenza. Nagulat po ako sa mga sinabing pagbabago at halaga ng mga certificates. Bakit at anu-ano po ang mga pagbabagong ito?

altMula Enero 1, 2012 ang lahat ng mga sertipiko na ipinagkakaloob mula sa Public Administration, kabilang ang certificati anagrafici at ng stato civile ay balido at may bisa na lamang sa mga private sectors. Ito ay para rin sa mga imigrante na nasa Italya.

Para sa kadahilanang ito, ang bawat mamamayan sa paglapit sa anumang tanggapang publiko o sa isang tanggapang pribado na nagbibigay ng serbisyong publiko, ay dapat magbigay o magsumite ng isang simple at libreng self-certification, na maaaring gawing direkta sa harap ng opisyal lakip ang kopya ng isang balidong ID.

Sa katunayan, sa mga sertipiko na inisyu magmula 1/1/2012 ay nakasulat:

Ang sertipikong ito ay hindi maaaring ilahad sa mga tanggapan ng Public administration o sa mga tanggapang pribado na mayroong serbisyong publiko”, at nawawalang bisa ang mga nabanggit na sertipiko.

Ang publikong tanggapan at mga pribadong tanggapan na nagbibigay ng mga pampublikong serbisyo samakatuwid ay hindi maaaring hingan ang mga mamamayang magsumite ng mga sertipiko, na kung saan ay pinalitan na ng self-certification. (Art. 15 ng Batas No 183 ng 12 Nobyembre 2011).

Ngunit kung kinakailangang kumuha ng sertipiko para sa tanggapang pribado, dapat tandaan na ang mga certificates ay mayroong selyo na nagkakahalaga ng € 14.62 at € 0.52 administration fee, maliban sa mga libreng sertipiko ng kapanganakan, kasal, kamatayan at mga sertipiko na ibinigay alinsunod sa exemption (€ 0.26 para sa paghawak ng mga bayad) para sa eksklusibong gamit ng mga indibidwal sa alitan sa trabaho, sa kaso na may kaugnayan sa rent control, mga pamamaraan para sa pagpapawalang bisa ng kasal o sa pagwawakas ng epektong sibil (diborsyo). Sa mga kasong ito, dapat isaad ang dahilan ng kahilingan para sa exemption at sa sertipiko mismo ay ipinapahiwatig ang gamit kung saan ito ay inilalaan.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Mga Italians, may utang na loob sa mga caregiver” Ministro Balduzzi

Walang batas na pumipilit sa mag-asawa na magsama sa iisang bubong