in

Walang batas na pumipilit sa mag-asawa na magsama sa iisang bubong

altKung ayaw na ng asawa na makisama o tumira sa iisang bahay kasama ang kanyang kabiyak, siya ay hindi pwedeng pilitin ng kahit sinuman. Walang batas o korte na sapilitang nagsasaad sa isang asawa, na labag sa kanyang kalooban, na patuloy na makisama o tumira sa iisang bahay kasama ang kanyang kabiyak.

Sa isang Supreme Court case na Ilusorio vs. Ilusorio-Bildner (G.R. No. 139789 July 19, 2001 and G.R. No. 139808 July 19, 2001), ay sinabi ng Supreme Court na ang decision ng asawa na ayaw makisama sa kanyang asawa ay hindi sakop ng batas at kapangyarihan ng korte dahil ito ay depende sa malayang pagpili ng tao sa kanyang buhay. (Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Bakit mahal na ang mga certificates mula sa Munisipyo?

Ano ang POLO at anu-ano ang mga serbisyo nito? (Unang bahagi)