in

Ano ang POLO at anu-ano ang mga serbisyo nito? (Unang bahagi)

altAng POLO o Philippine Overseas Labor Office ay nagsisilbing Department of Labor and Employment sa ibang bansa para sa implementasyon ng mga patakaran at programa sa trabaho ng bansang Pilipinas at bilang promosyon at proteksyon sa ikabubuti at sa kapakanan ng mga Filipino na nagta-trabaho sa Italya.

Samakatwid, ang mga tugkulin at responsabilidad ng POLO ay ang sumusunod:

–    Ang tiyakin ang promosyon at proteksyon sa ikabubuti at sa kapakanan ng mga manggagawa at tulungan ang mga migranteng manggagawang Filipino sa lahat ng mga suliranin sa employer-employee relationship.
–    Ang isaayos ang utos ng DOLE ukol sa employment promotion, na naaayon sa overall policy thrust ng gobyerno ng Pilipinas.
–    Ang beripikahin ang kontrata sa trabaho at ibang mga dokumentong naaayon sa trabaho.
–    Ang subaybayan at isangguni sa DOLE ang iba’t ibang sitwasyon at mga pagbabago sa patakaran ng bansang Italya na maaaring makaapekto sa migrante at sa mga patakaran sa trabaho ng Pilipinas.

Ang POLO ay pinangunganahan ng Labor Attachè na itinalaga bilang ‘head of post’ ng Secretary of Labor and Employment. Ang Labor Attachè ay tinutulungan ng Overseas Welfare Officer, at ng mga technical and administrative staff mula sa Department of Labor and Employment at mula sa Overseas Workers Welfare Administration. Ang Labor Attachè rin ang namamahala sa koordinasyon ng mga patakaran at programa kasama ng mga representatives ng Pag-Ibig fund at Social Security System.

Ang POLO ay regular na nagsasagawa ng mga information dissemination, marketing missions and community outreach activities sa lugar na kanyang sinasakupan. Ang POLO-Rome ay sumasakop sa region ng Abruzzo, Basilicata, Calabria, Campania, Lazio, Marché, Molise, Puglia, Sardegna, Sicilia, Toscana, at Umbria. Samantala ang POLO-Milan naman ay sumasakop sa region ng Emilia Romagna, Friuli Venezia Giuglia, Liguria, Lombardia, Piemonte, Valle d’Aosta, Veneto, at Trento Alto Adige.

Ang mga serbisyo:

A.    OVERSEAS EMPLOYMENT CERTIFICATE (OEC)
    
Lalong kilala bilang EXIT PASS, ang OEC ay isang pribiliheyo o benepisyo na ibinibigay sa lahat ng OFWs, sa mga new hires o Balik Manggagawa (workers on leave) upang hindi nila bayaran ang travel tax at terminal fees sa pagbabalik sa bansang Italya.

Ang mga Balik Manggagawa ay hindi na kinakailangang magtungo pa sa POEA para sa OEC. Ang POLO-Rome at POLO-Milan ay nagiisyu nito bago lisanin ang bansang Italya.

Apat na kopya ng OEC ang ibinibigay sa manggagawa upang ibigay sa:
–    Airline upang hindi bayaran ang travel tax
–    Labor Assistance Counter (LAC/POEA) bilang travel exit ng manggagawa
–    Airport upang hindi bayaran ang terminal fee
–    Manggagawa (validated ng LAC/POEA) na isusumite sa Bureau of Immigration

Note: Isang kopya nito ay nanatili sa tanggapan ng POLO.

Validity of OEC

Ang OEC ay may validity ng 60 araw, kung kaya’t ang mga OFWs lamang na mananatili sa Pilipinas ang maaaring kumuha nito sa POLO-Rome at POLO-Milan.

Sa mga mananatili naman sa Pilipinas ng mas mahaba sa 60 araw o dalawang buwan ay maaaring kumuha ng OEC sa POEA na matatagpuan sa EDSA, Ortigas Avenue o sa pinaka malapit na tanggapn ng DOLE-POEA Regional Office.

Ang mga carico o mayroong carta di soggiorno motivo familiare ay hindi kinakailangang kumuha ng OEC dahil sila ay obligadong magbayad ng reduced travel tax at terminal fee sa pag-alis muli ng bansang Pilipinas.

Requirements:
1.    Passport  
2.    Carta di soggiorno – lavoro subordinato o ibang dokumento tulad ng INPS, Busta Paga, OWWA membership, Pag-ibig/SSS membership
3.    Filled-up application form
4.    Service fee ng €2.00

B. WORK CONTRACT VERIFICATION AND AUTHENTICATION (NULLA OSTA AL LAVORO)

Ang head ng POLO ay sinusuri ang mga dokumentasyon ukol sa trabaho buhat sa employer, bilang patunay ng pagkakaroon ng employer, ng kanyang kapasidad na mabigyan ng sapat na sahod at tamang kundisyon sa trabaho ang manggagawa tulad ng itinakda ng POEA gayun din ng mga kasalukuyang panuntunan sa bansang Italya.

Requirements:
Kailangang isumite sa dalawang magkahiwalay na sets ang mga sumusunod na dokumento:
1.    kopya ng Nulla Osta
2.    Filled-up Verification Form 1 (Deed of Undertaking)
3.    Filled-up Verification Form 2 (Authorization/Statement of Guarantee), in case the Datore di Lavoro is not able to apply in person
4.    Kopya ng Identification Card ng employer (carta d’identita/passport with signature of Italian passport)
5.    Kopya ng pasaporte ng manggagawa
6.    Kopya ng pasaporte ng representative sa Italya
7.    Verification fee of US$10 or equivalent in local currency for individual contract of employment o US$30 or equivalent in local currency for Group Service Contract of Employment, Recruitment Agreement.

Sa tanggapan ng POLO
1.    Ang Aplikante ay kailangang isumite ang mga requirements sa POLO.
2.    Ang tanggapan ng POLO, sa pamamagitan ng mga staff, ay sisiguraduhin na kumpleto at tama ang mga requirements.
3.    Babayaran ng aplikante ang verification fee.
4.    Susuriin ng Labor Attaché ang mga dokumento.
5.    Ang Aplikante ay magtutungo sa  Consular Section ng Embahada/Konsulado para sa authentication.
Sa Consular Section
1.    Ang Consular Section ay ia-authenticate ang employment contract (sa pamamagitan ng paglalapat ng Consular seal at red-ribbon)
2.    Ang Aplikante ay magbabayad ng authentication fee na ngakakahalaga ng  €25.00

Note: Ang mga dokumento ay ipo-proseso rin sa Pilipinas: Ang aplikante ay isusumite ang mga dokumento una sa Consular Office ng Italian Embassy para sa issuance ng working visa, pangalawa sa POEA para sa employment documentation, at pangatlo sa PDOS (Pre-departure Orientation Seminar), para sa exit procedures.

Ipinapayo na dapat alam ng representative sa Italya ang mga detalye tulad ng sahod ng manggagawa. Gayun din ang pagkakaroon ng malinaw na litrato ng manggagawa.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Walang batas na pumipilit sa mag-asawa na magsama sa iisang bubong

STOP RACISM