Ministry of Interior: “Isang bagong normatiba sa loob ng 2 hanggang 3 linggo, kabilang ang buwis. Isasaalang alang namin ang mga taong nahihirapan”
Rome – 2 Peb 2012 – “Aming tinatapos sa loob ng 2 hanggang 3 linggo ang isang bagong normatiba, na magiging isang tunay na rebolusyon sa mga panukalang pagbabatayan ng buwis at permit to stay ng mga imigrante. Ito ang inihayag ng Ministro ng Interior, Annamaria Cancellieri, sa pagsasalita kahapon sa Commission on Constitutional Affairs ukol sa mga programa ng kanyang ministri.
“Ang mga pagbabago, paliwanag pa ng Ministro, ay naaayon din sa kalagayan ng ekonomiya , isasaalang-alang, sa pagsasaayos ng tema, kahit ang mga dinadanas na paghihirap ng mga magbabayad ng bagong buwis. Pinili naming ang rasyonalisasyon, dagdag pa ng ministro, ang pagkilos na mas mayroong malawak na diskurso.”
Si Cancellieri ay binalikan ang citizenship ng ikalawang henerasyon, at sinabing sa gobyerno ay ”walang isinasara, ngunit wala ring pagbubukas na mayroong kundisyon”. Hindi maaaring maging ganap na Italyano “dahil lamang sa automatismo, ngunit bilang risulta ng totoong proseso ng integration” , tulad ng pamumuhay ng permanente at nakatapos ng pag-aaral sa isang bansa.
“Ang aking konklusyon – paliwanag ng Ministro – ay ang isaalang-alang ito bilang isang malaking hakbang sa politika. Ako ay naniniwala na ang gobyerno ay makakahanap ng tama at balanseng solusyon sa tema.