Ito ang mungkahi ng lider ng Regional council sa Friuli Venezia Giulia, Danilo Narduzzi. Ilang buwan na ang nakalipas ay nagmungkahing ipadala ang mga Libyan refugee sa sapilitang pagta-trabaho sa Calabria.
Rome – 2 Peb 2012 – Kurso sa wikang Italyano at edukasyon sa Sibika at Kultura, proyekto ng integrasyon ng mga banyagang mag-aaral, mediation sa mga ospital, at suporta para sa mga humihiling ng political asylum at mga biktima ng human trafficking. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga programang pinopondohan ng “Fondi immigrazione” ng Rehiyon ng Friuli Venezia ayon sa isang detalyadong programa taun-taon ng Council.
Ang beneficiary ng mga programang ito ay ang mga dayuhang residente, excluded ang mga hindi regular. Tulad ng nasasaad sa institutional presentation, tinutukoy lamang ang mga “dayuhang regular sa rehiyon, na nananatili dahil sa panlipunang proteksyon o hindi maaaring mapatalsik o tanggihan dahil sa ilang mga pag-uusig”.
Sa taong 2011, halos 3,5 million ang inilaan para sa mga nabanggit na programa. Ngunit ngayong taong ito ang Lega Nord ay nagmungkahi ng ibang halaga. Ayon sa head ng Regional Council Danilo Narduzzi sa question time na naghain ng katanungan sa Regional Council na nagsasabing tanggalin ang fundings para sa imigrasyon at ito ay idadagdag naman bilang safety valves ng mga mamamayang Italyano na nawalan ng trabaho.
“Sa kasalukuyan sa Pordenone kami ay kabaligtaran ng rasismo”, pag-angal ni Narduzzi na sa pamamagitan ng karaniwang laro ng mga kasama nito sa partido, ay pinagsisiklab ang tinatawag na ‘guerra tra i poveri’ (o ang pag-aagawan ng mga mahihirap). Naglarawan ng isang sitwasyon kung saan sa una ay matatagpuan ang mga ‘kabataang walang trabaho, mga kumpanyang nasa malubhang krisis, mga pamilyang hirap na hirap’, sa kabila naman ay matatagpuan ang mga migrante na nalulunod sa public funds’. “Ang mga imigrante – kumpirma pa ng lider – ay tumatanggap ng mga benepisyo na hindi tinatanggap ng aming mga kababayan, at tamang sa ngayon ay hindi na nila tanggap ang ganitong sitwasyon”.
“Ang ugaling hindi-makunteto ay nagtatanim ng bigat ng kalooban, nagbibigay hangganan sa pasensya”, dagdag pa na tila eksperto sa tema. “Ang ating mga mamamayan ng Rehiyong ito, apektado ng krisis, ay hindi makatanggap ng mga serbisyong panlipunan dahil sa pagdumog ng malalaking pamilya ng mga imigrante na mas madaling (dahil sa dami ng anak) makapasok sa mga requirements. Anumang batas na nagnanais na alisin ang kahiya-hiyang limitasyong ito para sa ating mga kababayan sa Friuli ay paparusahan ng hukuman. Bilang naiiwang solusyon ay ang pagkansela sa seksyon ng imigrasyon”.
Ano nga kaya ang magiging katapusan ng laban ni Danilo Narduzzi. Ang mga nakaraang panukala ng lider ng Lega Nord ay hindi nagbunga, sa kabila ng hindi maitatangging originality ng mga ito: mula sa mapping ng mga imigranteng Muslim, sa reklamo ng mga ilegal na imigrante na tinatanggap at ginagamot sa ospital, hanggang sa solusyon ng sapilitang pagpapa trabaho noong nakaraang spring ng mga Libyan refugees : “Tinatapos ang mga kampo sa trabaho sa Aspromont”.