Ang bawang ay ginagamit bilang gamot sa napaka-tagal ng panahon, mula pa ng ginawa ang Egyptian pyramids. Ang Bawang ay sinasabing tulong upang pigilan ang sakit sa puso tulad ng atherosclerosis, mataas na kolesterol, mataas na presyon ng dugo, at kanser.
Ang bawang ay naglalaman ng antibacterial na kilala bilang Allicin. Dahil dito ang bawang ay kilala bilang likas na antibyotiko. Ang bawang juice ay hindi pinapayagan ang paglago ng fungi at virus na pumipigil sa viral, yeast at viral infection. Ipinakita rinng ilang pag-aaral na ang bawang ay mayroong positibong resulta sa paggamot ng AIDS.
Ang Philippine Department of Health ay nagsabing ang bawang ay isang alternatibong gamot dahil sa mga anti bacterial na katangian nito at epektibong pagkontrol ng hypertension, blood cholesterol at blood sugar para sa mga diabetics.
Medical uses ng bawang bilang herbal medicine
Bawang – Antiinfectious: Antibacterial, antifungal, antiparasitic. Ang bawang juice ay inilalagay sa bahagi ng katawang affected. Scientifically ang 0.4% ajoenecream, (ajoene ay isang chemical compound mula sa bawang) kapag ipinahid ay napag-alamang epektibo ng 70% sa Dermatologic fungal infection. Ang0.6% gel naman nito ay epektibo sa mga tinea corporis at tinea cruris.
Bawang – Antiinflammatory at antioxidant kapag isinama sa diyeta.
Bawang – Hypertension: Ang bawang kapag nginuya o kinain. Ang mga pag-aaral, ay iminumungkahi na ang paglunok ng bawang ay may epekto bilang antihypertensive ngunit ang pagpapababang dugoay malamang na hindi mabilis. Ang iba pang mga pag-aaral ay nagpapakita ng isang benepisyo sa pamamagitan ng pagpapabuti ng aorta vascular elasticity at posibleng pagbagal ng atherosclerosis progression.
Bawang – Hyperlipidemia: Ang bawang kapag nginuya o kinain ay mapag-alamang nagpapababa ng kolesterol ng dugo. Kahit maraming kontrobersiya, ay marahil na may kapaki-pakinabang na epekto sa serum cholesterol at antas ng LDL. Ang ilang mga pag-aaral ay nagpapakita ng 4% hanggang 12% na pagbaba ng kabuuang kolesterol. Ngunit tila walang epekto sa high density lipoprotein (HDL).
Bawang – Anti-kanser: Ang bawang ayon sa mga pag-aaral ay posibleng mayroong anticarcinogenic properties, partikular para sa colon, tiyan at prostate cancers. Sastomach cancers, malamang sa pamamagitan ng epekto ng paglanghap sa H. pylori. Saepidemiologic studies sa tiyan at colorectal cancer prevention, ang paggamit ng bawang mula 3.5 gramo hanggang 30 gramo ng sariwa o lutong bawang bawat linggo.
Ang ibang gamit ng bawang bilang herbal medicine na nangangailangan pa ng higit na pag-aaral
Arthritis, rheumatism, toothaches: Durugin ang ilang pirasong cloves ng Bawang at ilagay sa bahagi ng katawang apektado.
Headaches: Durugin ang isang clove ng bawang at ilagay sa magkabilang temples bilang poultice.
Insect bites: Durugin o hatiin ang bawang at ikaskas sa kagat ng hayop o insekto.
Athlete’s foot. Durugin o hatiin ang bawang at ikaskas sa parte ng katawang apektado.
Fever: Magpakulo ng dahon ng bawang at ipahid sa katawan at ulo.
Colds, cough, sore throat, hoarseness, asthma and bronchitis; Nasal congestion Mag steam para malanghap ang dinurog na bawang kasama ang isang kutsaritang suka sa kumukulong tubig.
Ang sariwang bawang ay ginagamit bilang herbal medicine sa INH therapy sa tuberculosis.
Digestive problems and gastrointestinal spasms. Inumin ang pinakuluang bawang bilang suppository.