in

Mga dapat gawin sa pagdadalang-tao ng isang walang permit to stay

Magandang umaga po Ako ay Pilipino. Paano ko po matutulungan ang aking kaibigan na kasalukuyang nagdadalang-tao ngunit walang permit to stay?

altIto ang karaniwang pinangangambahan ng mga walang dokumento o permit to stay. Ngunit sa bansang Italya, ang mga nagdadalang tao ay hindi maaaring patalsikin hanggang ang anak ay hindi sumasapit sa ika-anim na buwan ng buhay nito. Sa panahong ito, kahit pa ang asawang walang permit to stay, na naninirahang kasama ng future mom ay hindi rin maaaring patalsikin.

Ang Permit to stay for pregnancy (Permesso di soggiorno per motive di gravidanza), ay isang karapatang ipinagkakaloob ng Questura sa mga nagdadalang-taong ilegal sa Italya. Kinakailangang ibigay ang mga personal datas, ang tirahan, litrato at 14.62 revenue stamp. Kailangan din ng patunay o medical certificate kung saan nasasaad ang pagbubuntis maging ang araw ng kapanganakan. Ang  medical certificate na ito ay dapat mula sa Local Health Offices (ASL) o ng isang doktor mula sa family planning clinic (Consultorio).

Matapos magkaroon ng nasabing permit to stay, ay maaari nang magpatala sa National Health Sevice na magbibigay karapatan ng exemptions sa mga bayarin ng medical check-ups at laboratory tests upang mapangalagaan ang sinapupunan.

Mahalagang tandaan na habang balido ang nasabing permit to stay ay hindi maaaring lumabas ng bansa, magtrabaho at lalong higit ang mai-convert ito sa ibang uri ng permit to stay, maliban na lamang sa exceptional cases

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga Pinoy leaders sa Roma, nakiisa sa CGIL, UIL at CISL

Whitney, maaaring hindi namatay sa lunod