Khalid Chaouki, “Hinihiling namin sa presidente ng Kamara na pangunahan at i-schedule sa lalong madaling panahon ang talakayan ukol sa ius soli.
Roma, Pebrero 21, 2012 – “Ang inihayag na posisyon ng Ministro Cancellieri ukol sa reporma ng Citizenship at ang kanyang suporta para sa Jus soli ‘temperato’ ay isang mahalagang senyales mula sa parte ng isang key ministry sa immigration. Ngayon ang laro ay nasa Parlamento, na hindi pwedeng magpatuloy sa pagpapanggap ng pagtanggi sa karapatan ng citizenship para sa mga anak ng imigranteng isinilang sa Italya”, ayon kay Khalid Chaouki, Head PD Nuvi Italiani.
“Hinihiling namin kay Gianfranco Fini – dagdag pa nito – na maging promoter at ang i-schedule sa lalong madaling panahon ang debate ukol sa ius soli”. Hindi kinakailangan ang mga magagandang salita kung di susundan ng makabuluhang aksyon.
Sa sinumang hahadlang sa repormang ito – pagtatapos pa nito– ay kailangang ipaliwanag sa mga seatmates ng kanilang mga anak na mayroong permit to stay sa bansang kanilang sinilangan.