in

Kahalagahan ng Inang Wika, ipinagdiwang

altRoma, 24 Pebrero 2012 – Sa pangunguna ng Bangladesh Community sa Roma ay ipinagdiwang noong Martes ika 21 ng Pebrero ang International Mother Language Day. Ang seremonya ay dinaluhan ng mga kinatawan ng iba’t ibang embahada sa Italya sa pamumuno ni H.E. Masud Bin Momen , ang Ambassador of Bangladesh at H.E. Mohammad Musa Maroofi, ang Ambassador ng Afghanistan at kasalukuyang pinuno ng Escap (asean) Group of Ambassadors.

Sa panig naman ng UNESCO ay nagbigay ng pananalita si Ambassador Lucio Alberto Savoia. Nagbalik tanaw ang ambasador noong nakaraang September 17, 1999 nang nagpasya ang UNESCO na ipagdiwang ang araw ng Inang Wika tuwing Pebrero 21 bilang paggunita sa ilang mamamayan ng Bangladesh na pinaslang habang nagpo-protesta upang mapanatili ang paggamit ng wikang bangla noong Pebrero 21,1952.

altAng makasaysayang pagdiriwang ay ginanap sa Parco Rabin malapit sa Largo Bangladesh sa Parioli kung saan sa pakikipagtulungan ng Embahada ng Bangladesh at ng Roma Capitale ay itinayo ang isang monumento bilang simbolo ng Bangla Mother Language Revolution.

Nakipagdiwang upang magbigay galang, mag alay ng bulaklak at magpakita ng kanilang kultura , awit at sayaw, ang mga pamunuan ng ilang samahan ng mga Bengali sa Roma kasama ang kani kanilang mga pamilya. Ang pagtitipon ay inaasahang magiging taunang aktibidad ng mga taga bangladesh sa Roma kasama na rin ang ilang mga migranteng may pagmamahal sa kani kanilang mga Inang Wika bilang tanda ng kahalagahan ng wika bilang paraan ng pangangalaga sa kinagisnang kultura.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

‘Service through strong brotherhood’ – GPII ILC

Ofw, saan dapat magpa check-up para sa Overseas Job application?