Ang isang Ofw o migrant worker ay binibigyan ng karapatang mamili ng clinic na accredited ng DOH (Department of Health) kung saan ang kanyang kalusugan ay susuriin para sa overseas job application.
Ayon sa Republic Act No. 10022, hindi na pinahihintulutan ang pag-require sa isang OFW o migrante na mag-pasuri lamang sa itinalagang clinic ng agency o ng employer. Sa katunayan ang gawaing ito ay itinuturing na isa sa mga prohibited practices na nagbibigay kahulugan sa illegal recruitment. (Atty. Marlon Valderama, www.e-lawyersonline.com)