in

Buwis ng mga permit to stay, CGIL at Inca, nag-apila sa TAR

Hinihingi ang pagpapawalang-bisa ng atas (dekreto)  na nagtatalaga ng buwis, “sa kawalan ng katarungan at unconstitutionality nito.” Ang sentensya ay para sa lahat ng mga imigrante.

altRoma – Pebrero 24, 2012 – Ang buwis sa mga permit to stay ay kasalukuyang nasa hukuman, salamat sa isang apila kahapon ng CGIL at ng Inca sa Tar (Regional Administrative Court of law) ng Lazio.

“Ang buwis na hinihiling sa mga imigrante ay makakaapekto sa mga pinaka-mahinang mamamayan na sa katunayan ay hindi kinunsidera ang kakulangan ng kakayahan na magbayad nito, apektado higit sa unti-unting aplikasyon nito ang mga seasonal worker, ang maliit na bahagi ng halagang makukuha ay ilalaan proseso ng administrasyon at ang malaking bahagi bilang pondo sa pagpapabalik sa sariling bansa ng ga dayuhang ilegal gayun din ang pampublikong kaligtasan”. Ito ang panunuligsa ni Vera Lamonica, confederal secretary at Morena Piccinini, chairman ng patronato.

Sa paggawa nito, “ang  halaga ng paglaban sa ilegal na migrasyon ay mapapataw sa mga nagsusumikap upang manatiling regular sa bansa kung saan inumpisahan ang proseso ng integrasyon”.

Ang Inca at CGIL ay naghayag na “nailahad na sa Lazio Regional Administrative Court ang apila para sa pagpapawalang-bisa ng atas sa pagpapataw ng karagdagang buwis para sa permit to stay. Ang mga kadahilanan ay naka batay sa kawalan ng katarungan at pagiging unconstitutional nito.

Ang apila ay humihiling ng pansamantalang pagpapahinto ng dekreto hanggang sa hatol ng Administrative court. Ang magiging sentensya sa pagpapawalang-bisa ng atas 304 ng 6 Oktubre 2011, ay makakaapekto sa lahat ng mga imigrante at hindi magiging indibidwal, tulad ng single appelants.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ofw, saan dapat magpa check-up para sa Overseas Job application?

Feb. 26, National Migrants’ Sunday