in

Ang paninirang puri ba sa isang tao sa pamamagitan ng mga social networking sites ay isang krimen?

Ang pagmumura o paninirang puri sa isang tao sa pamamagitan ng mga posts, comment o twit sa facebook, twitter o iba pang social networking sites ay isang krimen na libelo o ‘libel’.

altRoma, Marso 9, 2012 – Ang nasabing post, comment o twit ay isang electronic evidence na tinatanggap na sa korte bilang ebidensiya ng libel at pwede na itong magamit laban sa taong nagpost nito sa internet.

Ayon sa Revised Penal Code, Article 353 ang Libel ay isang isinapubliko at malisyosong pagbibintang ng isang krimen, bisyo o depekto o isang aksiyon o hindi pag-aksiyon ng isang tao, kundisyon, status o circumstances kung saan ito ay nadishonor, pagkapahiya at paghamak ng isang tao o korporasyon.

Ang libel ay pwedeng ma-committ by means of writing, printing, lithography, engraving, radio, phonograph, painting, theatrical exhibition, cinematographic exhibition, or any similar means, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods or a fine ranging from 200 to 6,000 pesos, or both, in addition to the civil action which may be brought by the offended party. (Atty. Marlon Valderama – www.e-lawyersonline.com)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Marso 8, Pagdiriwang ng Tapang at Determinasyon ng mga Kababaihan

Marso 8, mga kababaihan sa Altare della Patria