Nabawasan ngayong taon ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa bansa kung ikumpara sa nakaraang taon.
Manila, Marso 15, 2012 – Batay sa report ng National Statistics Office (NSO), bumama ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas, mula sa 7.4 percent unemployment rate noong January 2011, bumaba ito sa 7.2 percent ngayong 2012.
Ayon sa NSO, tinatayang nasa 2.92 million katao ang walang trabaho ngayon sa Pilipinas, kung saan mas marami sa mga ito ay lalaki at nasa edad 15 hanggang 24 anyos.
Ayon kay presidential spokesperson Edwin Lacierda, patunay lamang umano ito sa paglago ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng Aquino administration. Bagay na ipinagmamalaki ng Malacañang.
Samantala, nanatili naman sa double-digit level na 18.8 percent ang underemployment rate sa bansa.
Subalit mas mababa na umano ito kung ikumpara sa 19.4 percent na naitala noong January 2011.