in

Mga Pinoy, ikalimang popolasyon sa Lombardy Region

Orim: “Higit sa 80,000 sa isang taon”. Ngunit ramdam ang krisis: ang rate ng pagkawala ng trabaho ay nadoble kumpara noong 2008. Narito ang buod ng mga detalye.

altRoma – Marso 16, 2012 – Hanggang Hulyo 1, 2011 ang populasyon ng mga dayuhang nagmula sa Pfpm o mga bansang malakas ang presyon ng imigrasyon na nasa Lombardy region ay 1,269,000 (regular at hindi), higit ng 81,000 kumpara  noong  Hulyo 1, 2010 ( + 7%) kung saan ay tinatayang 1,188,000 na presensya.  Ito ay 23.7% ng kabuuang populasyon sa bansa na mayroong bilang na 5,178,000 imigrante.  Sa rehiyon ay tinatayang mayroong 13 dayuhan sa bawat 100 mga residente.

Ito ay  ayon sa “L’immigrazione in Lombardia: famiglia motore di coesione sociale”, ang ika-11 ulat ng Osservatorio Regionale per l’integrazione e la multietnicità (ORIM) na inilabas kahapon sa Milan.

Ayon sa ulat ng Orim noong nakaraang taon ay nagpapakita ng isang imigrasyong patungo sa mas pang pamilyang motibo at ito ang kumpirmasyon na ang  pamilya ay isang malakas na elementong sosyal. Sa Lombardy, isa sa bawat tatlong imigrante ay namumuhay kasama ang buong pamilya, ang asawa at kahit na isang anak lamang, habang higit sa 67,000 naman ang dayuhang kasal o mayroong Italian partner.

Kung titingnan naman ang single nationalities ay nagunguna ang mga Romanians na mayroong  bilang na 172,200 (+ 7.3% kumpara noong 2010, 160,500 lamang), sinundan ng mga Moroccans na may bilang na 131,800 at mga Albanians na mayroong bilang na 118,600. Ikalimang popolasyon ang mga Filipino na may bilang na 62,800.

Patuloy din ang pagtaas ng bilang ng mga mag-aaral na dayuhan mula sa 164,036 admissions sa paaralan taon 2009/2010 sa 173,051 school year 2010/2011 (+ 5.5%) at naglalarawan ng 24.3% ng kabuuang bilang ng mga mag-aaral na walang Italian citizenship sa bansa.

Noong 2011 ay kanilang sinuri ang hiring ng mga manggagawang dayuhan sa Lombardy Region at nakumpirma ang stable trend nito (sa pagitan ng 18,000 hanggang sa 20,000 hiring) simula noong 2009.

Gayunpaman,  ito  ay nanatiling mababa (mas mababa sa kalahati) kumpara noong  2007, na ang hiring ay umabot sa 40,000. Noong 2011, ayon sa Report, ang antas ng pagkawala ng trabaho ng mga imigrante sa edad ng 14 pataas sa Lombardy ay 12%, halos doble kumpara noong 2008 na 6.9% lamang.

Nananatiling stable naman ang hindi regular na bahagi: ang mga dayuhang  walang balidong residence permit o permit to stay ay tinatantya nasa 116,000 mas mataas lamang ng 3,000 kaysa sa 2010.

Samantala ang data ng antas ng integrasyon buhat sa Orim ay nagpapahiwatig na ang mga imigrante ay mas integrated. Ang indicator na sumusukat nito (na 0 sa kawalan ng integrasyon at 1 maximum) ay tumaas sa 0,65 ng taong 2011 mulas sa 0,40 ng taong 2001. Sa Lodi natunghayan ang pinakamataas na antas ng integrasyon.

“L’immigrazione in Lombardia: famiglia motore di coesione sociale”

ulat at detalye

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

CASERTA, sa ika-16 na anibersaryo

ISTAT: Imigrante, na-triple ang popolasyon sa walong taon