in

Philippine Passport, nagkakahalaga ng 60 euros.

Mas mataas na singil sa mga ePassport, hinihiling na bawasan.

altRoma, Marso 19, 2012 – Ang kasalukuyang singgil  ng Philippine Embassy at mga Consulates sa mga ePassports ng bawat Filipino sa Italya ay nagkakahalaga ng 60 euros. Ayon sa Emabahada ito diumano ay base sa itinakda ng DFA na 1:1 excahange rate sa pagitan ng euro at dolyar.

Isang mainit na isyu sa komunidad hanggang sa kasalukuyan dahil ang 60 euros ay higit sa aktwal na halaga ng pasaporte kumpara sa ibang panig ng mundo tulad sa America na nagkakahalaga lamang ng 60 dollars.  Isang bagay na hinihingan ng paliwanag at paglilinaw ng sambayanan maging sa pamamagitan ng kilos protesta.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa isang panayam ng Akoaypilipino.eu, ay nakarating na diumano ang hinaing ng komunidad sa DFA. Gayun din ang kanilang rekomendasyon na muling i-adjust o i-revise ang halaga ng ePassports sa Eurozone.

“The current rate is already disadvantageous to Ofws in Italy and the Eurozone”, ayon kay H.E. Virgilio Reyes .

“Italy is host to the most number of Filipinos in the Eurozone area. The current difference in a ePassport fee (between Eurozone and American-based applicants, for example) is a substantial amount for a domestic worker”, dagdag pa ng Ambassador sa kanilang naging rekomendasyon.

Ayon pa sa mga kinatawan ng Embahada ay kanila ring sinasangguni ang ilang bansa sa Europa o Eurozone upang masuri ang kasalukuyang hinaing sa exchange rate.

Samantala, sa isang forum ay tila nabanggit ni Consul General Grace Fabella na maaaring magbayad ng 60 dollars sa mga pasaporte. Isang paglilinaw ang hiningi ng Akoaypilipino.eu sa Embahada ukol dito at napag-alamang maaari ring tumanggap ng 60 dollars sa halip na 60 euros.

Ngunti nananatiling isang kweston ang tila solusyon dahil ang pagtanggap ng 60 dollars ay nangangahulugan ng pagbabayad rin ng 3 to 4 euros banking charges, na kasalukuyang tinatanong kung kanino mapapataw … sa Embahada ba o sa mamamayan?

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ano ang Mahal na araw para sa mga Katoliko?

MUTYA NG PILIPINAS ITALY 2012