in

MUTYA NG PILIPINAS ITALY 2012

Gaganapin sa Marso 25, 2012 sa Palazzo delle Esposizione, Empoli ang paligsahan ng talento, talino at gandang Pinay, handog ng Fea-Onlus.

alt

Roma, Marso 18, 2012 – Ang ikalawang edisyon ng Mutya ng Pilipinas Italy ay muling inihahandog ngayong taong ito ng Filipino European Association of Empoli (Fea-Onlus) sa pakikipagtulungan ng Abs-Cbn foundation Bantay bata 163. Gananapin sa darating na Linggo, March 25, 2012 sa Palazzo delle Esposizione, Piazza Guido Guerra, Empoli, Firenze.

Ang Filipino European Association of Empoli ay itinatag noong Nobyembre 2006, binubuo ng 40 founding members. Pinangunahan ni Dennis Arcilla Reyes bilang president sa gabay spiritwal ni Father Crisostomo Cielo Crisostomo Jr. at chaplain of Empoli.

“Taun taon naming ginanap ang beauty pageant bilang paraan ng aming pagtulong sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong sa ating bansa”, ayon kay Reyes.

Nasa ika-anim na taon na ang Fea-Onlus sa patuloy na pagtataguyod ng mga programa tulad ng Polo Owwa Tuloy Aral Project sa unang taon nito sa pammagitan ng Miss Filipino European Association noong 2007 at 2008. Apat na taon na ang nakakalipas ng piliin ang Abs-Cbn Foundation, Inc. BANTAY BATA 163 upang ipaabot sa mga nangangailangang kabataan sa Pilipinas ang tulong pinansyal sa pamamagitan ng Mrs. Filipino European Assn. 2009  at Mutya ng Pilipinas Italy 2010 (1st edition at Little Mutya ng Pilipinas Italy 2011(1st edition).

Hangarin ng grupo na sa pamamagitan ng mga beauty pageant ay mapanatili ang kulturang Filipino sa salita at gawa sa bawat mga kabataang sa Italya na ipinanganak.

Inaasahang makakasama sa pagdiriwang sina Consul General Grace Cruz Fabella ng Phil. Embassy – Rome, Dr. Fabio Fanfani, Honorary Consul of Toscana, Umbria, Marche & Emiglia Romagna, Niccolo Balducci, Assessor ng Comune di Empoli, Romulo Salvador, Consigliere Aggiunto-ASIA ng Roma Capitale, Percival Capsa, President of Confederation of Filipino Communities in Tuscany, gayun din ang lahat ng officers at members ng iba’t ibang asosasyon sa Tuscany region.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Philippine Passport, nagkakahalaga ng 60 euros.

Mutya ng Pilipinas Italy 2012