in

Pangunahing katanungan ng mga naulila ng isang ofw sa Italya

Ang pagpanaw ng isang miyembro ng pamilya, kamag-anak o kaibigan ay isang bagay na hindi madaling harapin, lalo na’t nasa ibang bansa.

Ngunit sa tulong ng ahensya ng gobyerno na nakalaan sa mga Ofws, tulad ng OWWA ay bahagyang gumagaan ang dagok na ito sa buhay sa pamamagitan ng mga nakalaang benepisyo.

Narito ang mga pangunahing katanungan na maaaring makatulong sa pagdating ng hindi inaasahang pagkakataon o ang paglisan sa mundo ng a

1.  Ano ang unang dapat gawin ng mga kamag-anak o kapamilya ng sumakabilang buhay bilang isang Filipino dito sa Italya?

Ang unang dapat gawin ng kamag-anak ng isang yumaong na OFW dito sa Italya ay i-report and pangyayari sa Philippine Embassy Assistance to Nationals (ATN) Officer.  Pupuntang personal ang pinakamalapit na kapamilya ng yumao dala ang kauukulang dokumento.  Kung ang di kanais-nais ay nangyari ng araw ng Sabado o Linggo, maaring ipaalam sa Embahada sa emergency telephone no. +39.328.690.7613 at dumulog agad sa Viale delle Medaglie d’oro 112-114 sa unang araw na may trabaho.

2.  Anu-ano ang mga dokumentasyong dapat ihanda dito sa Italya kung ipapauwi ang bangkay sa Pilipinas? Sino at ano naman ang role ng ATN?

Pinaka importanteng dala ng pinakamalapit na kamag-anak ang pasaporto at permesso di soggiorno (at iba pang dokumento) tungkol sa pagkakakilanlan ng yumao.  Sila ay gagawa ng salaysay upang makakuha sa Embahada ng “nulla osta” na magbibigay autoridad sa isang ahensya ng punerarya na kakatawan at mag-sasaayos ng bangkay at mga papeles para sa pamilya sa Munisipyo, Prefecture, Asl at ilang tanggapan sa Italya.  Bibigyan sila ng listahan at ipapaliwanag ang mga iba’t ibang impormasyon kasama ang mga dokumento na kakailanganin sa pag-uwi ng bangkay, tulad ng Report of Death, Death Certificate, Consular Mortuary Certificate, Airway Bill, Preventivi, atbp.  Kung ang bangkay ay hindi iuuwi sa Pilipinas, may mga pagkakaiba, ngunit di nagkakalayo ang proseso at mga dokumentong kailangan.

Habang inaayos ang “nulla osta,” makikipag-ugnayan ang pamilya sa Welfare Officer o kanyang kinatawan, kung ang yumao ay active member ng OWWA.  Ibig sabihin, dala ang Official Receipt at Certificate of Membership Coverage (COMC) ng yumao, bilang pruweba ng pinagbayaran sa pagiging kasapi ng OWWA, sakop ang panahon ng dalawang taon at ito ay balido o hindi pa paso.

Sa makatuwid, kung ang yumao ay hindi nagtatrabaho at hindi aktibong miyembro ng OWWA, ang Embassy ATN Officer at mga kasama ang mag-aasikaso ng buong proseso.  Ang kaanak ay maari ring matulungan ng OWWA, ngunit sa larangan lamang ng serbisyo at hindi tulong pinansyal.

3.  Mayroon bang benepisyong makukuha ang pamilya sa Pilipinas bilang miyembro ng OWWA?

Bilang OWWA member, ang kaanak (asawa/anak/magulang, atbp) na beneficiary ng yumao ay makakatanggap ng benepisyong pinansiyal na Php 100,000.00 death benefit at karagdagang Php 20,000.00 burial benefit sa Pilipinas.  Sa maraming pagkakataon, nagbigay tulong din pinansiyal ang OWWA dito sa Roma sa pagpapauwi (repatriation of human remains) ng bangkay ng miyembro kung kinakailangan.

4.  Bilang kumakatawan sa gobyerno ng Pilipinas sa Italya, anu-ano ang mga serbisyong ibinibigay sa ofw?

Ang ating pamahalaan ay sinisikap na ibigay ang karampatang tulong sa ating mga manggawa sa ibayong dagat, tulad dito sa Italia.  Ang tulong ho sa mga yumaong miyembro ng OWWA ay isa lamang sa mga programa at serbisyo na handog ng OWWA sa ating mga manggawa at kanilang kaanak.  Meron pang mga iba, tulad ng mga scholarship, trainings, livelihood at reintegration projects, atbp. Ito ay mga nakatalagang karagdagang tulong bukod sa sa tinatanggap ng mga manggagawa sa kani-kanilang mga pinagtatrabahuhan.

Ang sakop ng ating tanggapan sa Roma ay ang mga bayan ng:  Abruzzo, Basilicata, Calabria, Campania, Lazio, Marche, Molise, Puglia, Sardegna, Sicilia, Toscana, Umbria.  Habang ang Milan ay sakop ang: Bolzano, Emilia-Romagna, Friuli-V. Giulia, Liguria, Lombardia, Piemonte, Trentino-A. Adige, Valle d’Aosta, Veneto.

Para sa karagdagang impormasyon maari hong sumangguni sa ating Embassy ATN Officer at Welfare Officer. Tel. no. 06 39746621

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mga dapat gawin sa pagpapauwi ng bangkay sa sariling bansa

Mga Pinoy, ban sa Syria