Roma, Marso 21, 2012 – Ayon sa Philippine Embassy sa Damascus, nagpalabas ng decision order ang Syrian Ministry of Interior noong nakaraang Marso 4 na nag-tatanggal sa mga Filipinos sa listahan ng mga dayuhang pinapayagang pumasok at magtrabaho sa nasabing bansa.
“Malaking tulong ang deployment ban ng Syria sa pagpapatupad ng total deployment ban natin sa mga OFWs sa nasabing bansa. Dahil Syrian government mismo ang nagbawal na makapasok ang mga OFWs sa kanilang bansa, makakasiguro tayo na hindi na sila mag-iisyu ng entry visas,” ayon kay Vice President Jejomar Binay kahapon sa isang release.
Ayon pa kay Binay, ang presidential adviser sa OFW concerns, ay ipapatupad ng Syrian government ang hindi pagpapapasok sa mga Pinoy simula sa April 1.
Ang Syria ay tatanggap na lamang ng mga domestic workers mula sa mga bansang Sri Lanka, Nepal, Indonesia, Vietnam at Bangladesh.
Agad namang inatasan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) upang gabayan at makapaglabas ng tamang mga pamantayan para sa mga aplikanteng nananatiling nangangarap na makarating doon.