in

Dekreto, pirmado na ni Monti

Pinirmahan na ni Monti ang atas o dekreto na nagpapahintulot sa mga bagong entries para sa taong 2012 ng mga seasonal workers. Narito ang nilalaman ng buong teksto at mga paliwanag ng mga Ministries of Labor at Interior.

altRoma – Marso 21, 2012 – Green light para sa pagpasok ng 35,000 non-EU seasonal workers at ng iba pang 4,000 non-seasonal workers. Ito ang nilalaman ng direct hire na pinirmahan noong Marso 13 ng Presidente ng Konseho na si Mario Monti, na sa kasalukuyan ay inirerehistro sa Court of Editors at samakatuwid ay inaasahan ang paglalathala sa Official Gazzette sa mga susunod na araw.

Ang mga kumpanya ay maaaring magsumite ng mga application ng hiring sa pamamagitan ng internet (o kahit na sa tulong ng mga asosasyon) mula alas 8.00 ng umaga isang araw makalipas ng publikasyon ng dekreto. Inaasahan ang sapat na numero sa mga pangangailangan ng bansa kung kaya’t hindi diumano kinakailangan ang mag-unahan sa pagsusumite ng aplikasyon.

Ang 35 000 na mga seasonal workers ay magta-trabaho sa sektor ng agrikultura at ng turismo. Ayon sa dekreto, ay maaari lamang pumasok mula sa mga sumusunod na bansa ang mga manggagawa:

Albania, Algeria, Bangladesh, Bosnia Herzegovina, Croatia, Egypt, Republic of the Philippines, Gambia, Ghana, Indya, Kosovo, Ex Yugoslavia Republic of Macedonia, Morocco, Moldova, Montenegro, Niger, Nigeria, Pakistan, Senegal, Serbia, Sri Lanka, Ukraine, Tunisia.

Kabilang sa itinakdang bilang ang mga manggagawa na pumasok sa Italya noong nakaraang dalawang magkasunod na taon at ang kumpanya ay maaaring magsumite ng aplikasyon para sa ilang taong pahintulot o pagpasok ng bansa. Ito ay magpapahintulot sa mga manggagawa na pumasok sa Italya sa mga susunod na taon sa isang mas simpleng proseso, at ayon sa panawagan o pangangailangan ng kumpanya ng hindi na kailangang hintayin ang publikasyon ng direct hire.

Mayroon ding mahalagang balita para sa mga manggagawang pumasok sa Italya noong nakaraang taon. Kung ang Sportello Unico para sa Imigrasyon ay hindi tutugon sa loob ng dalawampung araw makalipas isumite ang application, ito ay maituturing na tanggap at ang manggagawa ay maaaring makakuha agad ng entry visa.
 

Samantala, ang dekreto ay nagpapahintulot din sa pagpasok ng 4,000 non-EU nationals na sumailalim sa mga programa ng pagsasanay sa sariling bansa, ayon sa Artikulo 23 ng batas 25 Hulyo 1998, numero 286.”

Ito ay tumutukoy sa mga manggagawang sumailalim sa mga kurso na inaprobahan ng Ministries of Labor and Education na ipinatupad ng mga lokal na awtoridad, mga unyon, at iba pang awtorisadong organisasyon, sa pamamagitan ng mga bilateral na kasunduan sa pagitan ng ilang bansa at Italya. Ang batas sa imigrasyon (TU) ay nagbibigay pribiliheyo ukol dito maging ang National Plan for Integration (Piano Nazionale per l’integrazione) ay nakatutok sa ganitong uri ng entries sa bansa.

Ang dekreto

Ang circulars ng Ministry of Labor at Interior

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Tulong sa Sendong victims, ibinigay ng Filcom Tuscany

Aplikasyon maaari nang sagutan on line