Bagong record sa pakikiisa ng mga Pinoy sa Earth Hour.
Abril 2, 2012 – Nagtala ng bagong rekord ang Pilipinas, bilang isa sa mga nangungunang bansa na lumahok sa ginanap na Earth Hour noong nakaraang Sabado, ika-31 ng Marso.
Ayon sa World Wide Fund for Nature (WWF), lumahok sa taunang earth-saving campaign ang may kabuuuang 1,671 mga bayan, siyudad at lalawigan sa buong bansa na noong nakaraang taon ay 1,661 participants lamang.
Pinatunayan ng Earth Hour founder at executive director na si Andy Ridley na “it’s more fun in the Philippines.” Ito’y matapos masaksihan ang pagkakaisa ng mga Filipino para maisulong ang isang makabuluhang programa tulad ng isang oras na pagpatay ng mga pasilidad na ginagamitan ng kuryente.
Pinangunahan ng Ridley ang isinagawang Earth Hour 2012 program sa Ayala, Makati City, gayun din ang pag-switch off ng mga electrical facilities na sinabayan naman sa Visayas at Mindanao.
Umabot sa 6,525 siyudad, bayan, lalawigan at mga munisipalidad sa 150 mga bansa at teritoryo sa buong mundo ang lumahok sa nabanggit na inisyatiba.