Department of Agriculture (DA) ay patuloy sa kampanya laban sa nasasayang na bigas araw-araw sa bansa upang makamit ang self-sufficiency sa rice import bago matapos ang taong 2016.
Rome, Abril 24, 2012 – Ayon kay DA Secretary Proceso Alcala ay dadalasan nila ang pag-iikot sa mga lalawigan, partikular sa mga rice-producing regions, upang turuan ang mga ito ng tamang pag-aani at tamang paglilipat ng bigas sa merkado.
Nasasayang diumano ang bigas sa palayan pa lamang, pagkatapos ay sa pamilihan hanggang sa bawat tahanan ng bawat mamamayang Filipino.
Halos isang taon na ring ginagawa ng DA kung kaya’t nabawasan na ang naiulat na 300,000 toneladang bigas na nasasayang araw-araw ngunit patuloy pa ring pinapaalalahanan ang mga kababayan sa tamang consumption ng bigas.
Sagot ito diumano ng DA sa ulat ng International Rice Research Institute (IRRI), kung saan sinasabing siyam na gramo o tatlong kutsarang bigas ang nasasayang araw-raw, na katumbas ng 36% ng rice import ng bansa noong 2011.
Dahil dito, ayon pa rin sa ulat ng IRRI ay malayo pang maging self-sufficient ang bansa kung magpapatuloy sa mag-aaksaya ng bigas. Magkakapagpakain pa sana ng mahigit 4 na milyong Pinoy kung hindi sasayangin ito.
Disiplina ang sagot at susipara maiwasan ang pagsasayang ng palay. Simpleng paalala sa mga pamilyang wag magsasaing ng sobra. Samantala sa mga restaurant ay dapat tama ‘yung takal ng kanin.
Ayon pa sa DA ay magpapatuloy silang isulong ang programa upang makamit ang self-suffiency sa rice import bago matapos ang taong 2016.