in

Technical problem ng direct hire, sinusuri ng Ministry

Maraming mga employer ang naantala ang pagpapadala ng aplikasyon dahil hindi na diumano nakita ang aplikasyon online. Isang ‘technical problem’ ayon sa Interior Ministry, na pagkatapos ay inamin ang pagkakaantala ng sistema.

altRoma, Abril 30, 2012 – Hindi nagsimula para sa lahat ang nakatakdang oras ng pagpapadala ng aplikasyon, dahil sa diumanong ‘technical problem’ ng website ng Interno.

Alas 8.00 ng umaga noong nakaraang Biyernes, ay nagsimula ang pagpapadala ng aplikasyon . Ngunit maraming employer ang naghanda, nag-fill up at nag-save ng mga aplikasyon sa pamamagitan ng website ng Viminale ang hindi na natagpuan ang aplikasyon sa nakatakdang oras. Natagpuang muli ang mga ito makalipas ang ilang oras, kung kaya’t naantala ang pinaghandaang pagpapadala nito online.

Si Andrea Filacaro sa pamamgitan ng FB ay ipinahatid sa stranieriinitalia.it ang naging ‘malaking problema’ at halos sabihing isang ‘panloloko’. Ang aking aplikasyong inihanda bago pa man ang April 20 ay muli kong natagpuan online bandang alas 10.25 na ng umaga”. Ngunit maganda pa rin ang naging kapalaran ni Renata Melas “Nagloko ang sistema, ni reset nito ang mga datas na aming na saved na aplikasyon, ngunit naipadala namin ang aplikasyon 20 minutos makalipas ang alas 8 ng umaga”.

“Ang aking aplikasyon naman ay bumalik sa sistema bandang 9.57 na at pagkatapos ay naipadala ko rin ito agad. Bakit parang bulang naglaho ang mga aplkasyon na pinahintulutang i-fill up bago pa man simulan ang direct hire”. Tanong ni Giovanni Conti. Ngunit tila wala namang naging problema sa pagpapadala ng maramihang aplikasyon mula sa mga accredited na asosasyon. “Halos isandaang aplikasyon ang aming ipinadala eksaktong alas 8 ng umaga, at matapos lamang ang ilang minuto ay naipadala lahat”, kumpirmasyon ni Laura Galvani, mula sa Confagricoltura ng Verona.

Hiningi ng stranieriinitalia.it ang dahilan sa mga naging pangyayari at sinagot ang panawagan sa pamamagitan ng isang email: “Bandang tanghali ng Abril 20 ay 32,169 ang mga aplikasyong ipinadala online. Ito ay nagdulot ng ‘technical problem’ sa pagpapadala ng ilan.” Ngunit inamin na “dahil sa pagpapadala ng maramihang aplikasyon, sa unang bahagi ng umaga, ay nagkaroon ng paghina sa pagtanggap ng sistema na nakaapekto sa ilang employer at pribado”.

“Ang tecnical office ng Department of Immigration – pagtatapos pa ng Ministry- ay ginagawa ang mga pagsusuring kinakailangan”.

Ngunit may discrepancy sa dalawang bersyon. Inamin ng Ministry ang pagkaantala sa pagtanggap ng mga aplikasyon, isang bagay na maaaring matanggap dahil sa sabay-sabay na paghahangad na maipadala ang mga aplikasyon sa iisang oras, ngunit ang mga readers ay iba ang iniulat na mga pangyayari at ito ay ang pagkakawala sa sistema ng kanilang mga aplikasyon at dahil dito ay imposibleng ipadala ang mga ito. At nararapat lamang ang mga pagsusuri na dapat gawin ng dipartimento.

Sa ngayon ang mga problema na iniulat sa pamamagitan ng mga mambabasa ay kaugnay lamang sa mga unang oras ng Abril 20, at ang katunayan na sa bandang tanghali ay nakatanggap ng kabuuang bilang ng 32,169 aplikasyon, katunayan na magpapa-panatag sa kalooban ng mga employers dahil hindi pa ubos ang quota o ang 35,000 bilang na nakalaan para sa mga seasonal workers.

Ngunit ang pangambang haharapin ay ang katunayan na ang malaking bahagi ng bilang na ito ay ibinahagi sa mga Rehiyon at mga Probinsya, at maaaring ang ilan sa mga aplikasyon na ito ay nakatakda at naibahagi na at maaaring ang quota o ang nakalaang bilang ay naubos na bago pa man maipadala ng mga  employer ang aplikasyon dahil sa pagkakawala ng mga ito sa sistema. Sa ganitong mga kaso, paano mapapatunayan ng sistema ang naging ‘technical problem’ nito, at paano aayusin ang mga aplikasyon na apektado?

Mula sa pangyayaring ito ay bumabalik ang mga pangyayari noong taong 2007, ang unang araw ng click day, na nagdulot ng malubhang ‘technical problem’ gayun din ng malubhang ‘delayed’ na tila panloloko sa mga aplikasyon ng mga employer. Kinailangan ang solusyon sa naging epekto nito at tanging ang ‘regularization’ ang naging sagot sa maraming mga umaasam na maging ‘documented’ ang nagsalba sa mga reklamo ng mga dayuhan at employer laban sa Ministry.

Ano naman kaya ang naging dahilan sa pagkakawalang parang bula ng mga aplikasyon sa sistema? Maaaring iilan lamang ang apektado nito sa taong nito ngunit ang mga aplikante ay may karapatan pa ring magkaroon ng kasagutan.

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Aplikasyon sa direct hire, umabot na sa 40,000

Carta di soggiorno, maaaring pawalang-bisa?