in

“The Champs”, ginanap sa Roma

Isang mainit na pagtanggap kay Jovit Baldovino at Angeline Quinto sa Roma.

altRoma, Mayo 2, 2012 – Matapos ang matagumpay na pagtatanghal sa Milan noong nakaraang April 25, ay dinumog ng maraming Pinoy ang back to back concert ng “The Champs” sa Roma noong linggo, April 29.

Ilang araw bago pa man ang concert ay laman na ng usapin ng mga Pinoy sa mga communities, sa mga bar at maging sa mga bus ang pinakahihintay na concert ng taon. Halos mag-unahan sa reservation at sa pagbili ng mga tickets. Kaya’t maaga pa lamang kahapon ay nagsimula nang magdatingan ang mga Pinoy na tila ‘excited’ sa pagbisita ng mga sikat at magagaling na manganganta mula pa sa Pilipinas.

Labindalawang grupo ng mga local talents ang nagpa-init sa crowd habang hinihintay ang paglabas ng mga panauhin. Magagaling sa pagsayaw at pag-awit ang mga kabataan sa Roma at talaga namang maaari ng makipagsabayan sa mga tinatawag na ‘Global talents’.

altNagsimula ang hiyawan sa paglabas ng first winner ng Pilipinas Got Talent 2010 na si Jovit Baldovino. Rinig na rinig ang puntong Batangueno ni Jovit kaya’t tuwang-tuwa rin naman ang nagungunang popolasyon ng mga Batangueno sa Roma. Tumindi ang mga palakpak ng kantahin ni Jovit ang mga sikat na awitin ng mga teleseryeng maging sa Italya ay sinusubaybayan gabi gabi ng mga Pinoy tulad ng Angelito, ang batang ama at Walang hanggan.  Hindi naman pinalagpas ni Jovit ang pagkakataon sa pagbaba ng entablado habang kumakanta, marating lang ang mga fans nito.

“Sana po ay patuloy kayong sumuporta sa amin at sa mga Pinoy talents kahit kayo ay nasa Italya na”, mga salita ni Jovit bago lisanin ang stage.

Samantala, kahanga-hanga rin ang opening song ng nanalo sa Star Power na si Angeline Quinto. Pinatunayan ni Angeline ang pagiging may-ari ng trono ng pinanalunang Search for the Next Female Pop Superstar.  At dahil bahagi rin ng mga tahanang Pinoy sa Roma ang kanyang mga inawit dahil sa mga teleserye ay nagpatuloy ang hiyawan ng crowd at mga fans ni Angeline. Nakapiling rin ng mga taga-Roma ang “Angeliners”, mga tagahanga ni Angeline mula pa Switzerlardn na nagpakita ng suporta sa idolo.

“Bukod salta pasasalamat sa lahat, iiwan ko pong mensahe sa ating mga kababayan dito sa Roma ang patuloy na mangarap dahil ito po ang nagdala sa akin kung nasaan ako ngayon”, ayon kay Angeline sa panayam ng akoaypilipno.eu.

“Ito ay patunay na ang Federfil (o Federation of Filipino Communities and Associations in Italy) ay para maglingkod sa ating mga kababayang Filipino maging sa pamamagitan ng mga concert tulad nito. Kung kami man po ay mayroong pagkukulang, ito po ay inyong unawain ngunit aming pangako ang aming tulong at suporta sa komunidad”, mga pananalita ng Presidente na si Francis Buangjug sa pagpapakilala sa buong pederasyon sa palatuntunan. Pasasalamat din ang hatid na mensahe ng Federfil sa mga sumuporta sa proyekto, mula sa mga naging panauhin tulad nina H. E. Ambassador Mercedes Tuason of Embassy to the Holy See, ang Welfare Officer na si Lyn Vibar, ang president ng PIDA na si Charisma Pineda, sa media hanggang sa mga masisipag na volunteers.

Isang thumbs up naman mula sa mga dumalo sa pagkakataong makapiling ng mga ofws sa Roma ang mga kilalang mang-aawit sa ating bansa at umaasang makakapiling pa ulit ang mga ito sa mga susunod na konsyerto. (larawan ni: Boyet Abucay, Rem Amboy, Richard Pineda)

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Italyano at asawang Pinay, inaresto sa Thailand

Gary V., isa sa mga hurado ng The X Factor Philippines