Narito ang isang paglilinaw ukol sa gagawing pagpapatupad ng programang K+12 ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan sa darating na pasukan.
Ano ang K+12 at ang layunin nito?
Ito ang programang ipatutupad ng pamahalaa at ng kagawaran ng edukasyon na naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo.
Ang K+12 ay ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang mas maging handa para sa kolehiyo mismo.
Ayon kay Kalihim Bro. Armin Luistro ito ay ibibigay ng libre sa mga nais pumasok sa pampublikong paaralan. Bagaman magiging isang puhunan o investment ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak.
Sa kasalukuyan ay kinakailangan magtapos ang ating kabataan o mag-aaral ng kolehiyo para makapagtrabaho. Ngunit para kay Kalihim Bro. Armin Luistro at Pangulong Noynoy (Aquino III) ang K+12 ay ang pagbibigay ng basic competencies na kailangan upang makapagtrabaho ang mga kabataan. Junior high school pa lamang, maaari ng makakuha ng certificate of competency level 1 basta ma-satisfy lang ang requirements ng TESDA. Senior high school, level 2, naman ay maaari na silang magtrabaho matapos ito.
Sino ang sakop ng mga pagbabagong ito? Tuloy na ba ito this coming school year? Sino ba ang maapektuhan nito?
Ang masasakop talaga ay ang incoming first year high school ng pampublikong paaralan. Ang pagsisimula nito ay nangangahulugang ipatutupad na ang bagong curriculum para sa grade 1 curriculum lamang, kindergarten, at grade 7 o first year high school lamang. Hindi pa madaragdagan ng dalawang taon. Pampublikong paaralan, dahil ang mga papasok ng first year high school, ay sila ang maapektuhan dahil sila ang first batch of grades 11 to 12 graduates sa taong 2016 hanggang 2018. Ibig sabihin, yung incoming first year high school o grade 7 this school year 2012 to 2013. Samantala ang mga incoming second year, 3rd year at fourth year, ay gagraduate sa dating bilang ng taon na pinapasukan nila.
Sa kasalukuyan ay maraming mga kakulangan tulad ng silid-aralan, guro, aklat, na nais tugunan sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon ng pamahalaan. At dahil ang karagdagang grades 11-12 ay ipatutupad at mangyayari lamang sa 2016 to 2018, ang natitirang apat na taon ang ay paghahanda dito.
Basahin rin:
Basikong impormasyon ukol sa K + 12