in

Permesso di soggiorno per attesa occupazione, maaari bang i-renew?

Nawala ako ng trabaho at ako ay nabigyan ng permesso di soggiorno per attesa occupazione. Maaari ko ba itong i-renew kung hindi ako makakahanap ng panibagong trabaho bago ang deadline nito?

altRoma, Mayo 7, 2012 – Ang permesso di soggiorno per attesa occupazione o permit to stay para sa nawalan ng trabaho ay hindi maaaring i-renew at sa deadline nito, kung ang imigrante ay hindi makakakuha ng panibagong trabaho at hindi rin mare-renew ang permit to stay para sa subordinate job, ay dapat lisanin ang Italya. Ito ang nilalaman ng kasalukuyang batas at kinumpirma ng ilang beses ng Regional Administrative Court.

Ang batas

Ang posibilidad ng pagkakaroon ng permit to stay para sa mga naghahanap ng panibagong trabaho, kung nawalan ng trabaho ay napapailalim sa Artikulo 22 talata 11 ng Batas sa Imigrasyon (TU) kung saan nasasaad na “Ang pagkawala ng trabaho ay hindi nangangahulugan ng pagpapawalang-bisa ng permit to stay ng mga non-EU nationals at ng kanyang pamilyang regular na residente.

Ang mga imigranteng manggagawa na mayroong permit to stay para sa subordinate job na nawalan ng trabaho, kahit sa kaso ng pagbibitiw, ay maaaring magpa-rehistro bilang walang trabaho sa Employment agency sa panahon ng validity ng permit to stay, maliban na lamang kung ito ay isang permit to stay for seasonal workers at ang validity ay anim na buwan lamang.

Ang Artikulo 37 ng DPR 394 ng 1999, sinusugan ng DPR 334 ng 2004 ay nagsasaad na  “ang isang dayuhang manggagawa ay may karapatang manatili sa bansa matapos ang deadline na itinakda sa permit to stay, ang awtoridad ay ire-renew ang permit to stay nito, ng walang anumang dokumentasyon, ng anim na buwan mula sa araw ng pagpapatala sa listahan ng mga nawalan ng trabaho sa employment agency at sa deadline ng permit to stay, ang dayuhan ay dapat lisanin ang bansa maliban na lamang kung mayroong bagong kontrata sa trabaho at samakatwid ay may karapatan sa bagong permit to stay para sa trabaho”.

Ang hatol ng Administrative Court

Ang katotohanan na ang dayuhan ay dapat lisanin ang Italya, kung sa deadline ng validity ng permit to stay para sa paghahanap ng bagong trabaho ay hindi nakahanap ng trabaho, ay kinumpirma ng ilang beses sa pamamagitan ng maraming hatol ng administrative tribunals.

Partikular na ipinapaalala ang desisyon ng Konseho ng Estado n. 478 ng 29 Enero 2009 kung saan ay lehitimong ipinahayag ang pagtanggi sa renewal ng permit to stay ng anim na buwan ng Administrasyon kung walang trabaho. Ang mga salita ng Korte “ ang pagkakaroon ng trabaho sa petsa ng aplikasyon ay walang pag-aalinlangang ipagkakaloob ang permit to stay para sa trabaho at walang batas sa permit to stay para sa paghahanap ng trabaho ang nagsasabing maaaring i-renew dahil ito ay di angkop sa mga patakaran ng imigrasyon batay sa entry quota at sa pagkakaroon ng trabaho bilang batayan sa pamumuhay ng maayos.

Binabanggit din ang kamakailang hatol ng TAR Trento n. 47, 2011, kung saan ang hukom ay sinabi ng “ang permit to stay sa paghahanap ng trabaho ay nagpapahintulot ng pananatili sa Italya lampas sa itinakdang panahon ng orihinal na permit to stay ngunit ito ay hindi renewable, bago sumapit ang expiration ng validity nito ay dapat na mag-aplay ng isang bagong permit para sa trabaho / self-employment kung hindi ay obligado ang dayuhang lisanin ang bansa”. Isang karagdagan ang hatol ng sa Konseho ng Estado (hatol bilang 2594 ng 2007) na kinukumpirma na “ang pagkawala ng trabaho ay hindi magreresulta sa pag-kumpiska ng permit to stay ngunit isang pagpapahaba ng validity nito. Ito ay upang bigyan ng pantay na karapatan ang dayuhan tulad ng ilang benepisyo at ang pagkakataong ng reintegration sa trabaho .

Sa ilalim ng kasalukuyang mga desisyon ng batas at hukuman, ang permit to stay para sa paghahanap ng trabaho ay hindi maaaring i-renew at maaari lamang, sa deadline nito, sa pagkakaroon ng mga kinakailangang requirements, i-renew sa isang permit to stay para sa trabaho.

Kung ang mga nasabing kondisyon ay imposible at hindi maaaring humiling ng ibang uri ng permit to stay, ang imigrante ay dapat lisanin ang Italya.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

7,4 billion euros, remittances ng mga imigrante sa sariling bansa

Insentibo para sa mga employers ng mga colf at caregivers