in

Roma, makikilahok sa Worldwide protest laban sa China

Makikiisa rin ang mga Filipino sa Roma sa Worldwide protest laban sa China.

altRome, Mayo 8, 2012 – Isang sit-in protest rally sa Huwebes May 10, ganap na alas tres ng tanghali sa Largo Ecuador (malapit sa Chinese Embassy) ang gagawin ng mga Pinoy sa Roma bilang pakikiisa sa mga bansang United States, Hong Kong, Canada, Australia, Thailand, South Africa, Germany at United Arab Emirates ukol sa sapilitang pag-aangkin ng China sa yamang pag-aari ng Pilipinas, ang Panatag o Scarborough Shoal kilala rin bilang Bajo De Masinloc.

Ito ay bilang suporta sa hinihiling ng Pilipinas na daanin sa International tribunal ang usapin.  

“Gagawin natin ito sa araw ng Huwebes, at hindi Biyernes tulad ng sabayang protestang magaganap sa mga bansang nakiisa, dahil karamihan sa ating mga Filipino ay Huwebes ang day off. Ito rin ay dahil sa nababalitang welga ng public transportation sa Rome sa Biyernes na maaaring maging hadlang sa pakikiisa ng ilan nating mga kababayan”, ayon sa panawagan ni Romulo Salvador, ang Konsehal na Filipino sa Roma Capitale.

Inaasahan ang pagdalo ng mga residenteng Pinoy sa Roma at sa mga kalapit lugar nito bilang pakikiisa sa ating bansa sa pagsasabing ang Panatag o Scarborough Shoal ay pag-aari ng Pilipinas na kinikilala rin maging ng international law, partikular ang United Nations Convention on the Law of the Sea kung saan ang China at Pilipinas ay parehong signatories.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Europe migrants join forces to fight for migrant and refugee rights

China, handa na!