in

Isa akong Pinay at walang trabaho sa kasalukuyan, maaari ba akong mag-aplay para sa maternity allowance?

Nais kong itanong kung may tulong sa maternity ang isang Filipina na hindi nagta trabaho, ngunit regular na naninirahan sa Italya.

altRoma – Mayo 9, 2012 – Bilang tulong sa panahon ng maternity para sa mga hindi nagtatrabahong ina, at walang anumang garansya, ay inilalaan ng mga Munisipyo o Comune ang maternity allowance o assegno di maternità. Maaaring mag-aplay nito sa Munisipyong sumasakop sa tirahan, kung hindi kwalipikado sa maternity benefit o indennità di maternità buhat sa Inps o ang pagtanggap ng sahod habang nasa maternity leave. Kung ang nabanggit na benepisyo ay mas mababa ang halaga kaysa sa halaga ng allowance, ay maaaring mag-aplay para sa mas mababang halaga o assegno in misura ridotta.

Sa pamamagitan ng isang komunikasyong inilathla sa Official Gazette bilang 39 ng Enero 16 2012, ang Gobyerno, patikular ang Department of Family Services, ay ipinaalam ang revaluation ng maternity allowance para sa taong 2012.

Ang allowance o assegno ay para sa mga kababaihang naninirahan sa Italya, mamamayang Italyano, EU nationals o non-EU nationals, tulad ng Filipina, na mayroon ng kilalang carta di soggiorno, walang hanapbuhay, mga housewives o walang anumang insurance para sa maternity, para sa panganganak o para sa pag-aampon o pre-adoption custody ng isang menor de edad.

Para sa mga non-EU nationals, ay nararapat na bigyang diin na ang allowance ay ibinibigay ayon sa circular ng Inps bilang 35 ng 2010, sa pagkakaroon ng EC long term residence permit o carta di soggiorno, ng carta di soggiorno para sa mga miyembro ng pamilya ng Italyano o mamamayan ng EU o ng isang permanenteng carta di soggiorno para sa mga miyembro ng pamilya kahit pa walang citizenship ng anumang bansa sa EU. Nakasaad rin sa nasabing circular na ang mga non-EU nationals, na naghihintay ng issuance ng EC long term residence permit, ay maaaring mag-aplay sa loob ng anim na buwan para sa assegno o allowance, lakip ang resibo na magpapatunay ng aplikasyon para sa carta di soggiorno. Ang aplikasyon para sa allowance ay nananatiling nasa pag-iingat ng Munisipyo, hanggang sa mai-prisinta ang EU long term permit (electronic o hard copy) ng aplikante, kahit na lampas na sa anim na buwan.   

Ang application ay dapat na isinumite sa Munisipyo (kung saan matatagpuan ang mga application form) na sumasakop sa tirahan sa loob ng 6 na buwan matapos ang kapanganakan (o ng adoption o ng child custody) liban na lamang sa pagtatanggal ng karapatan, ang allowance ay ipagkakaloob ng Inps. Upang maging karapat-dapat para sa allowance tulad ng nabanggit, ay hindi dapat magkaroon ng anumang pinansiyal na benepisyo sa maternity, samakatwid ay hindi tumatanggap ng maternity benefit at mayroong sahod na hindi lalampas sa halagang itinakda ng Economic Situation Indicator (ISE), na para sa taong 20120 ay € 33,857.51 para sa buong pamilya sa taong 2012.
Bilang pagsunod sa patakaran ukol sa traceability ng pagbabayad, ang allowance ay ibinibigay sa pamamagitan ng bank account. Samakatuwid ay kinakailangan, ang magbukas ng bank account sa post offices o mga bangko.

Ang maternity allowance ay hindi maaaring tanggapin kasama ang ibang benepisyo ng social security at indennità di maternità, kung ito ay superior sa halaga ng maternity allowance. Sa kasong matanggap kasama ang ibang benepisyo, ang Munispyo ay maaaring bawiin ang buong halagang itinalaga.

Ang buwanang halaga ng benepisyo para sa taong 2012 ay € 324.79 para sa 5 buwan sa isang total ng € 1,623.95.

 

 

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Mother of Divine Grace Community, magdiriwang ng anibersaryo!

IKAW, ang una at huli