in

Tourist Visa, maaaring gamitin sa buong Europa?

Magandang araw po, ang aking kaibigan, isang non-EU national, ay magbabakasyon sa Europa. Nag-aaplay sya para sa isang tourist visa sa isa sa mga bansa ng Schengen States, maaari rin ba syang pumasok sa iba pang bansa sa Europa?

altRoma – Hunyo 7, 2012 – European Union law. Ang pangunahing pinagbabatayang batas Ukol sa entry visa sa pagpasok sa European Union ay ang Schengen Convention. Ito ay ipinatutupad sa lahat ng mga bansa sa Europa na pumirma at sumali sa kasunduan (Belgium, France, Germany, Luxembourg, Netherlands, Monaco, Portugal, Spain, Italy, Austria, Greece, Denmark, Finland, Sweden, Iceland, Norway, Slovenia, Estonia, Latvia, Lithuania, Poland, Czech Republic, Slovakia, Hungary, Malta, Switzerland at Liechtenstein)

Ang ilang mga estado, bagaman hindi bahagi ng European Union, tulad ng Switzerland, Iceland at Norway, ay sumali  sa kasunduan. Ang iba namang estado na bahagi ng European Union sa halip ay hindi ipinatutupad ang convention, tulad ng United Kingdom at Ireland. Sa ibang bansa naman, sa kabila ng pagiging bahagi ng kasunduan ay hindi pa ipinatutupad ito tulad ng Bulgary at Romania. Sa mga huling kaso samakatuwid ay kinakailangan, kung nagnanais bisitahin ang mga bansang ito, na magtungo sa embahada o konsulado at mag-aplay ng entry visa.

Matapos ang Schengen Convention ay pinagtibay naman ang Visa Code (EC regulation n. 810 ng 2009).

Ang convention ay nagtakda ng mga kondisyon na dapat gawin ng isang mamamayan buhat sa third country, ukol sa pananatili ng higit sa tatlong buwan sa loob ng European Union. Kabilang sa mga kundisyon na ibinibigay sa mga dayuhan ay ang kailangang magkaroon ng valid entry visa.

Ang visa ay uniporme o pare-pareho para sa lahat ng mga estado na lumahok sa kasunduan. Ang visa ay hindi dapat magtaglay ng limited territorial validity (LTV), dahil sa ganitong kaso, ang entry visa ay valid lamang sa isa o higit pang mga State member at hindi para sa lahat.

Ang convention, bilang karagdagan, ay nagsasaad na ang mga dayuhan na mayroong uniform entry visa at legal na papasok sa teritoryo ng isang bansang kasapi, ay maaaring malayang magbiyahe, magbakasyon o magpalipat lipat sa mga bansang kasapi sa panahong nasasaad sa entry visa. Nangangahulugan, na ang tourist visa holder, buhat sa isang bansang kasapi, ay maaaring magbiyahe , sa panahon ng validity ng visa sa loob ng Schegen countries. Ito ay nangangahulugan, gayunpaman, na ang pagpasok sa ibang bansa, at hindi sa bansa kung saan nag-aplay ng entry visa, ay kailangang i-report ang presenysa sa mga awtoridad. Bukod dito, sa pagpasok ay kailangang ipakita ang motibo ng biyahe, pagkakaroon ng sapat na mapagkukunang pinansyal sa panahon ng pananatili, angkop na matutuluyan (hotel reservation), heath insurance para sa sakit at anumang pinsala.

Kung sakaling lalabas na ang isang tao ay mapanganib sa peace and order ng public security, o lalabas ang dating order of expulsion, ang pagpasok sa napiling bansa ay tatanggihan.

Batas sa Italya. Ang pagpapatupad sa batas ng EU, ay nagbibigay-daan din sa non-EU national tourist visa holder buhat sa isang bansa ng Schegen State, na pumasok sa Italya para sa  maikling panahon ng pananatili para sa layunin ng turismo lamang.

Sa Italya, isang atas ng Ministry of Interior noong 26 Hulyo 2007 ay nagsasaad na kung ang dayuhan ay buhat sa bansang hindi nagpapatupad ng kasunduan, sa obligasyon na gawin ang deklarasyon ng pagpasok (declarazione di presenza) ay sapat na ang pagkakaroon ng timbro Schengen sa travel document sa oras ng control sa immigration. Samantala, kung ang non-EU national ay buhat sa isa sa mga bansang Schengen, sa loob ng 8 araw ng pagpasok ay dapat mag report ng kanyang presenysa sa bansa sa tanggapan ng Uffici Stranieri ng Questura at ipapaalam ang dahilan ng pananatili, ang panahon ng pananatili, ang titirahan, ang patunay ng sapat na mapagkukunang pinansyal sa panahon ng pananatili sa Italya  (nasasad sa Directive ng Ministri of Interior noong Marso 1, 2000), at pagpapakita ng dokumentasyon ng health insurance.

Kung ang tutuluyan ay isang hotel, ang deklarasyon ng prsensya ay gagawin ng hotel keeper na nilagdaan ng dayuhan. Ang pagsunod sa obligasyon ay mapapatunayan sa pamamagitan ng isang kopya nito buhat sa hotel keeper na maaaring ipakita sa anumang tanggapan at awtoridad.

Ang deklarasyon ng presensya sa loob ng 8 araw ng pagdating, ay dapat ding gawin ng mga non-EU nationals na exempted sa entry visa sa mailking panahon ng pananatili.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ang pagbibigay ng utang bilang placement fee sa ofw, isang krimen?

US National Anthem at hindi Pambansang Awit ng Pilipinas ang kakantahin ni Jessica