Matapos ang diskusyon sa Parlyamento ay bumalik sa Council of Ministries ang dekreto na magpapadali at magpapagaan ng pagpasok sa bansang Italya. Huling hakbang na lamang ang kinakailangan para sa pagpapatupad nito.
Roma -Hunyo7, 2012-BumaliksaCouncil of Ministries ang blu card, o angsuperpermit to staypara sa mga highly qualified migrant workers na maninirahan at magta-trahaho sa bansang Italya.
Matapos matanggap ang mga positibong opinyon mula saKamara at Senado, ang dekreto na magiging “Directive 2009/50/EC,ukol sa mga kondisyon ng pagpasok at paninirahan ng mgahighly qualified non-EU nationals ay ang syang tinatalakay sa mga oras na ito. Mula sa Palazzo Chigi ang hinihintay na final approval.
Ang teksto na isinulat noong nakaraang Marso ng pamahalaan ay nagsasaad na ang mga highly qualified migrant workers ay makakapasok ng bansa kahit walang direct hire. Ang mga kumpanya ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa panahong kinakailangan ang mag ito sa kundisyon ng pagbibigay ng isang taong kontrata at isang angkop na sahod. Ang mga magiging blue card holders ay maaaring dalhin ang buong pamilya sa bansa at pagkatapos ng isang taon at kalahati, ay maaaring lumipat sa ibang bansa ng EU.
Sa panahon ng pagsusuri ng nasabing dekreto, ang Kamara ay hiniling na tukuying mabuti ang kwalipikasyon ng mga manggagawang nasasakop ng dekreto upang maiwasan ang maling pangunawa sa ‘no-quota’, ang pagbibigay ng hanggang 90 araw upang sumagot sa aplikasyon ng mga kumpanya at hadlangan ang pagpasok ng mga dayuhang nagkaroon ng order of expulsion.