New entries sa Italya, labas sa direct hire ng mga highly qualified migrant workers at posibilidad ng paglipat sa ibang bansa ng EU, aprubado na. Hinihintay na lamang ang publikasyon sa Official Gazette.
Roma , Hunyo 8, 2012 – Handa ng ipatupad ang tinatawag na blue card o ang super permit to stay na magbibigay ng mas magandang pagkakataon sa pamumuhay sa Italya ng mga higly qualified migrant workers.
Kahapon ay ganap ng inaprubahan ang legislative decree o ang directive 2009/50/EU ukol sa kondisyon ng pagpasok at pananatili ng mga highly qualified workers. Ito ay inaprubahan dalawang buwan na ang nakakalipas ng pamahalaan, at kahapon ng Palazzo Chigi matapos ang aprubasyon ng mga komite sa Kamara at Senado.
Ang teksto na ipinadala sa Parlyamento ay nagsasaad ng pangangailangan sa mga highly qualified migrant workers, labas sa kilalang direct hire, at magiging future EU blue card holders. Ang mga kumpanya ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa buong taon, kailangan lamang ang isang taong kontrata at angkop na sahod. Maaaring dalhin ng mga EU blue card holders ang kanilang buong pamilya matapos ang isang taon at kalahti at ang posibilidad na lumipat sa ibang bansa ng EU.
Ang pagpapatupad nito ay bilang pagsunod sa mga layunin ng Lisbon ukol sa angkop na pagpapalago at panghihimok sa mga highly qualified non-EU nationals sa mga bago at mas magandang job offers, tulad ng nasasaad sa isang pahayag ng Palazzo Chigi matapos ang konseho kahapon. Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang publikasyon ng nasabing dekreto sa Official Gazette.