Tumanggap ng Dame Grand Cross Award si Ambassador of the Philippines to the Holy See Mercedita Tuason mula kay Pope Benedict XVI sa Vatican City noong nakaraang buwan. Ang parangal ay itinatag ni Pope Pius IX noong June 17, 1847 para sa Papal Order of Knighthood.
Rome, Hunyo 19, 2012 – Nasa ikatlong taong serbisyo si H.E. Ambassador Mercedita Tuason sa Philippine Embassy to the Holy See ng pagkalooban ng Dame Grand Cross Award na karaniwang iginagawad sa mga Ambasador ng Holy See mula kay Pope Benedict XVI. Ito diumano ay dahil sa makabuluhang pagsusumikap ng Ambassador upang lalong mapagtibay ang bilateral relations ng Holy See at ng Pilipinas.
Binasa sa wikang latin ang nilalaman ng Certificate ng Chief Protocol ng Vatican City na si Monsignor Fortunatus Nwachukwu bago tuluyang ipinagkaloob ang parangal. Samatala ang award naman ay pinirmahan ni His Eminence Tarcisio Cardinal Bertone, ang Secretary of State ng Holy See.
Pagkatapos ay isinuot ang puting medalyon na gawa sa asul na enamel at may walong sinag na puno ng gintong apoy sa pagitan nito. Makikitang nakasulat sa gitnang bahagi ng medalyon sa wikang latin na nangangahulugan ng virtue at merit.
“ Im very happy and very honored to received this award which is given to the Ambassadors to the Holy See”, natutuwang komento ng Ambassador matapos matanggap ang parangal.
Kasama ang ibang opisyales ng emabahada na sina Deputy Chief of Mission at Consul General Danilo Ibayan, Executive Assistant and Confidential Secretary to the Ambassador Josephine Bantug at Father Jose Dajac, mula sa Congregazione Clericale Missionariedella Fede ng tinanggap ni Tuason ang parangal.
Ikatlo sa pinakamataas na papal order ay ang order ni Pope Pius IX na itinatag noong June 17, 1847 para sa Papal Order of Knighthood. (ni: Diego Evangelista)