in

Family reunification. “Isang taon at kalahating paghihintay sa Milan”

“Sa katagalan, ang mga requirements ay nawawala, dahilan upang di maparating ang mga mahal sa buhay sa Italya. Ang pamahalaan ay dapat kumilos"
 

Rome, Hunyo 23, 2012 – “Ang karaniwang panahon ng paghihintay sa pag-proseso ng family reunification ng tanggapan ng Prefecture ng Milan ay halos 18 buwan sa halip na 180 araw lamang tulad ng nararapat. Isang tunay na anomalya.

Ito ang nireport ng Cigl, CISL at UIL na gumawa ng isang liham sa mga ministro ng Interior at Integration at humihingi ng isang mabilis na pagkilos upang malutas ang problema.

"Ang sitwasyon – ayon pa sa mga unyon – ay isang malubhang pinsala sa karapatan ng family reunification, lalo na ang mga aplikasyon na mayroong mga menor de edad – isang paglabag sa national at international norms. Sa isa't kalahating taong paghihintay, ay "maaaring mawala ang mga pangunahing requirements tulad ng kita o sahod o ang angkop na tirahang kinakailangan, na tinataglay ng mga aplikante sa panahon ng pagsususmite ng aplikasyon.

Kasabay ng paghihintay ng tugon mula sa mga kinauukulan, ang CGIL, CISL at UIL ng Milan ay humiling din ng isang pulong mula sa Prefecture at kasama ang Munisipalidad ng Milan, upang hikayating gumawa ng mabilisang aksyon sa buong bansa. “Sa nakaraan, pagpapa-alala pa ng mga union – salamat sa isang protocol na pinirmahan ng mga Munisipalidad, Prefecture,  social groups at mga asosasyon ay nakuhang umusad at unti-unting tapusin ang mga aplikasyon”.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

SUPERHEROES NG BAYAN

TFCKat Talent Search sa Empoli