in

FAQs ukol sa Regularization

Mga paglilinaw at updates ng Stranieriinitalia.it at Akoaypilipino.eu ukol sa nalalapit na Sanatoria. (updated July 31)

Roma – Ako ay ikinasal sa isang Italyano, pagkatapos ay nag-aplay ng permit to stay, ngunit ako ay hindi natagpuan ng mga pulis sa kanilang pagkokontrol sa aming bahay at dahil dito ako ay bingyan ng ‘foglio di via’ kung saan nasasaad na dapat akong umalis ng Italya sa loob ng 15 araw. Ito ay naganap noong 2011. Ako ay mayroong contratto di lavoro at ang employer ko ay nagbabayad ng mga buwis. Maaari ba akong ma-regularize?

Oo, ang dahilan ng pagkakatanggap mo ng foglio di via ay hindi hadlang sa Regularization.

Ang aking employer ay nahatulan at nakulong ng 2 beses. Maaari ba nya akong i-regularize?

Ito ay dipende sa krimen at sa kasong isinampa laban sa kanya. Hindi maaaring mag-regularize ang mga employer na nahatulan sa huling limang taon sa krimeng aiding and abetting illegal immigration, trafficking o expolitation of minors for prostitution, ilegal na pagtanggap o pagbibigay ng trabaho sa mga iligal na imigrante.

Ako ay bumili ng telepono at mayroong resibo nito. Maaari bang gamitin ang resibo ng pagkakabili ng telepono bilang patunay ng aking pananatili sa Italya?

Maaaring hindi, dahil ang resibo/voucher buhat sa isang commercial store ay hindi isang dokumentong buhat sa tanggapang publiko.

 Ako ay madalas magpadala ng pera sa pamamagitan ng mga money transfer, maaari ko bang gamitin ang resibong ito bilang patunay ng pananatili sa Italya?

Maaaring hindi, dahil ang pagpapadala ng pera sa mga money transfer ay hindi maaaring ituring na dokumento buhat sa tanggapang publiko.

Hulyo 24, 2012 – Ako ay isang irregular immigrant ngunit tinanggap sa trabaho ilang buwan na ang nakakalipas. Sinabi sa akin ng aking employer na babawasan ang aking sahod dahil nais nya akong i-regularize. Ayon pa sa kanya ay dapat akong magbayad ng 1,000 euro sa Italian State upang magkaroon ng permit to stay. Totoo po ba ito?

Ang nabanggit ng iyong employer ay ang regularization ng mga ‘lavoro nero’ ng mga irregular immigrant, at ayon sa inaprubahang batas kamakailan, ito ay  nagbibigay ng pagkakataon upang ang mga ito ay ‘linisin’. Ayon pa rin sa batas na ito, employer ang dapat magbayad ng 1,000 bilang kontribusyon. Samakatwid, lahat ng hihinging pera ng employer ukol dito ay hindi lehitimo.

Ako ay undocumented at irregular worker simula noong nakaraang Nobyembre sa iisang employer. Sapat na ba ang isang deklarasyon buhat sa aking employer upang patunayan ang aking pananatili sa bansang Italya simula noong nakaraang Dec 31, 2011?

Sa kasamaang-palad ay hindi sapat ang deklarasyon ng iyong employer dahil ang mga dokumentasyong isasaalang-alang ay magbubuhat lamang sa mga tanggapang publiko. Isang regulasyon ang ilalathala sa susunod ang magtutukoy kung anu-ano ang mga sapat na dokumento na magpapatunay ng pananatili sa bansang Italya simula Dec 31 noong nakaraang taon, ngunit inuulit ko na ang mga dokumentong ito ay dapat na nagbuhat sa mga tanggpang publiko.

Upang patunayan na ako ay nasa Italya noong nakaraang Disyembre, sapat ba ang aplikasyon para sa bagong pasaporto (renewal/lost passport) sa Embahada ng Pilipinas? Maaaring mayroon pa akong resibo ng aking aplikasyon.

Tulad ng nabanggit sa naunang katanungan, kailangang maghintay para sa implementing rules and guidelines na ilalabas sa lalong madaling panahon, ngunit maaaring i-assume na ang Embahada/Konsulado ay isang tanggapang publiko na anumang sertipikasyon na mayroong petsa bago o hanggang Dec 31, 2011 buhat sa mga tanggapang nabanggit ay maaaring tanggapin bilang patunay ng pananatili sa bansa.

Ako ay mayroong bagong trabaho at dalawang linggo na akong nagtatrabaho dito. Mayroon bang pag-asa na ako ay ma-regularize sa taong ito?

Sa kasamaang palad ay wala, ang regularization ay nagsasaad na ang employment ay hindi dapat bababa sa 3 buwan bago ang publikasyon ng batas sa Official Gazette (at dapat na patuloy hanggang sa oras ng pagsusumite ng aplikasyon). Tama na ang batas ay hindi pa nailalathala sa Official Gazette ngunit ang publikasyon ay nalalapit na. Halimbawa: kung ang batas ay malalathala sa July 25, ang employment ay dapat na nagsimula bago ang April 25.

Ako ay isang dayuhan at nagmamay-ari ng isang kumpanya at nais kong i-regularize ang isang empleyado ngunit wala akong EC long term residence permit o carta di soggiorno. Maaari ba akong magsumite ng aplikasyon?

Ayon sa batas ang dayuhang employer ay maaaring magsumite ng application kung carta di soggiorno holder lamang. Kung ang aplikasyon ay gagawin ng isang kumpanya, ang legal representative nito ay dapat na mayroong carta di soggiorno. Samakatwid, kung ang may-ari ng isang kumpanya ay isang dayuhan at mayroong permesso di soggiorno per lavoro automo ngunit ang rappresentante legale naman ay nagmamay-ari ng carta di soggiorno, ang aplikasyon para sa regularization ay maaaring gawin ng rappresentante legale.   

Ako ay isang EU-nationals na nagtatrabaho ng irregular sa isang reataurant higit sa isang taon na. Maaari rin ba akong ma-regularize?

Hindi, hindi ito katulad ng regularization noong 2009, ito ay isang regularization para sa mga non-EU nationals.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

OFSPES GETS THE GAWAD GENY LOPEZ JR. BAYANING PILIPINO AWARD

“Sa mga balita ko lamang nalaman ang tunay na ikinamatay ng aking anak” – Jacquiline