in

Suspects sa pagkamatay ng sanggol, 20 na

Roma, Hulyo 24, 2012 – Marcus Johannes de Vega, ipinanganak ng premature ng 26 weeks noong May 29 at pumanaw isang buwan ang makalipas sanhi ng isang pagkakamali (o ang pagkakagamit intravenous ng gatas sa halip na saline solution) na naganap noong June 27 sa San Giovanni Hospital sa Roma.

Sa ngayon ay dalawampu na ang suspect sa pagkamatay ng sanggol, 7 mga duktor at 13 namang nurses sa Neonatology ward ng nasabing ospital. Lahat ay sasailalim sa imbestigasyon sa kasong manslaughter. 

Kahapon araw ng Lunes ay sinamahan ng kanyang abogado sa Procura si Jacqueline, ang ina ng sanggol at sinabi sa hukom na sa pagbabasa lamang ng mga pahayagan nalaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng anak.  

Naganap ang nakamatay na pagkakamali noong June 27 ngunit ang official communication buhat sa ospital ay naganap lamang noong July 2. Buhat sa ospital, ayon sa mga report, ay sinasabing ang mga duktor sa mga panahong iyon ay patuloy na inaalam ang tunay na naging sanhi ng kamatayan, kung ito ay isang natural death o ibang dahilan ang naging sanhi nito.  

July 3 ay handa na for cremation ang bangkay ng sanggol, lakip ang authorization buhat sa ospital gayun din ang pinirmahan ni Jacquiline ukol sa pahintulot nitong hindi na gawin ang autopsy.

Ngunit matapos itong dalhin sa Prima Porta ay muling ibinalik ang bangkay sa ospital tulad ng hiniling ng Direzione Sanitaria. July 10 naman ng dalhin ito sa Policlinico Tor Vergata para sa autopsy ayon sa pag-uutos ng prosecutor na si Michele Nardi.

Kinuha ng investigating officer ang mga medical records at habang hinihintay ang gagawing autopsy na nakatakdang gawin sa Huwebes, ngunit kasalukyang inaalam ang dahilan sa delayed report buhat sa San Giovanni gayun din ang kawalan naman nito buhat sa ina ng biktima. Mga bagay na iniimbistigahan ng korte ng procura di Roma, ang investigators ng Ministry of Health gayun din ang mga inatasan ng Direzione sanitaria ng nasabing ospital.  

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

“Sa mga balita ko lamang nalaman ang tunay na ikinamatay ng aking anak” – Jacquiline

Blue Card, mga bagong alituntunin ukol sa pagpasok ng mga highly skilled immigrants