Ang mga ito ay hindi nabibilang sa anumang entry quota at magpapahintulot ng isang super permit to stay para sa maraming mga professionals. Kahapon ay inilathala ang dekreto para sa implementasyon ng mga normatiba ng Europa.
Rome – Hulyo 26, 2012 – Ang bansang Italya ay sinusubukang kunin ang atensyon ng mga highly skilled immigrants, sa pamamagitan ng mas madaling pagpapasok at pananatili sa bansa at sa pamamagitan ng pagbibigay ng super permit to stay, ang tinatawag na ‘blue card o carta blu’ na magbibigay ng higit na karapatan kaysa sa ibang mga imigrante.
Lahat ng ito ay tinataglay sa legislative decree ukol sa “Condizioni di ingresso e soggiorno di cittadini di Paesi Terzi che intendano svolgere lavori altamente qualificati” na inilathala kahapon sa Offical Gazette, at sisimulang ipatupad sa Aug 8. Ganap na inaprubahan ng gobyerno ng Italya noong nakaraang Hunyo bilang adaptasyon sa batas ng Europa, kahit huli na, ng dircetive 2009/50/CE.
Ang teksto ay nagsasaad na ang pagpasok sa bansa ng mga highly skilled immigrants ay labas sa anumang Direct hire o entry quota. Ito ay nangangahulugang maaaring ma-employ kahit anong buwan o panahon ng taon, sa halip ay batay sa pangangailangan ng kumpanya ng hindi maghihintay ng anumang aprubasyon ng direct hire. Maaari ring mag-applay ang mga imigrante na regular na nasa bansa at kwalipikado sa ilalim ng dekreto.
Itinuturing na "highly qualified ang banyagang manggagawa" kung naka-kumpleto sa sariling bansa ng Senior High School (Superiore) ng hindi bababa sa tatlong taon at kumuha ng professional qualifications na angkop sa level 1, 2 at 3 ng ISTAT classification of professions CP 2011. Upang mapabilang sa tinatawag na ‘professioni regolamentate’ ay kinakailangang nagtataglay rin ng mga requirements na hinihingi ng batas.
Maraming mga worker ang nasasakop nito. Sa first level ay nasasaad, halimbawa, ang mga senior executive, sa second level ang mga computer experts, engineer, doctor, agronomists at mga professors, sa third level ay mayroong mas malawak na nasasakop tulad ng mga technicians, mula accountant sa programmer, mula lab assistants hanggang sa social services assistants, mula travel agent hanggang sa entertainers.
Upang makapasok sa Italya, gayunpaman, ay mahalaga na ang propesyon ay angkop sa payroll. Ang mga kumpanya na kukuha ng mga workers ay dapat na magbigay ng isang taong contract of employment at yearly gross income “na hindi bababa sa tatlong doble ng minimum wage ng nakatakdang sahod sa exemption sa health expenses”. Halos 25,000 euro samakatwid.
Ang mga employer ay maaaring magsumite ng aplikasyon sa mga Sportelli Unici per l’Immigrazione, na dapat magbigay ng kasagutan sa loob ng 90 araw. Mas mabilis ang procedures sa mga kumpanya na pumirma ng memorandum of agreement sa Ministry of Interior.
Ang worker ay magkakaroon ng isang espesyal na electronic permit to stay, ang ‘Carta Blu Ue’ na balido ng dalawang taon kung ang kontrata ay permanente at kung hindi, ay balido tulad ng panahon ng kontrata plus tre months, na magpapahintulot sa isang “equal treatment tulad ng mga mamamayang Italyano”. Sa unang dalawang taon, ay maaari lamang i-practice sa Italia ang trabahong tutugon sa kundisyon kung bakit ipinagkaloob ang permit to stay, ngunit maaaring mag-aplay ng ricongiungimento familiare o petisyon ng miyembro ng pamilya gaano man katagal ang validity ng nasabing documento.
Maaari ring magtrabaho sa Italya nang hindi kakailanganin ang entry visa ang mga highly skilled immigrant na nanirahan sa ibang State member ng hindi bababa sa 18 buwan at doon ay nagkaroon ng Blue Card. Ang sinumang natanggalan ng Blue Card sa Italya ay madaling lumipat, makalipas ang isang taon at kalahati, sa ibang State member kung ang bansang patutunguhan ay ipinatupad ang European directive.