in

Regularization: Huwag gawing pabigat sa mga manggagawa

Ang mga kundisyon sa pagpapatupad ay dapat angkop sa layunin ng dekreto at hindi tila parusa na magpapabigat sa mga manggagawa.

Roma, Agosto 1, 2012 – Ang ‘National Immigration Board” ay naghayag ng “kasiyahan sa naging desisyon ng gobyerno ukol sa pagpapatupad ng Directive 2009/52/EC sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa ating bansa ng isang kasangkapan upang labanan ang expolitation sa mga dayuhang manggagawa sa trabaho”. 

Ngunit umaasarin "na ang mga kundisyon ng pagpapatupad (implementing rules and guidelines) na napapaloob sa dekreto ay maging angkop sa layunin nito at hindi maging tila parusa na magpapabigat sa mga manggagawa.

"Ang naging desisyon ay ikinatuwa ng marami at kinunsidera ang mga rekomendasyon ng Parliyamento, kung saan ang karamihan  nito ay tugma rin sa mga kunsiderasyon ng National Immigration board na ipinaabot na rin sa mga kinatawan ng pamahalaan”, tulad ng mababasa sa isang komunikasyon, kung saan bahagi rin ang Acli, Arci, Asgi, Caritas, Centro Astalli, CGIL, CISL, Komunidad ng San Egidio, Fcei, sei Ugl at Uil.

"Alam ng lahat ng ang bansa ay dumadaan sa panahon ng matinding krisis at halos kainin ng napakataas na buwis na maaaring maging sanhi – tulad ng nasasaad sa kominukasyon – ng karagdagang pinansyal na rekisito sa pagpapatupad, na kahit na opisyal na employer ang dapat magbayad, ay maaaring mauwi, tulad sa nakaraan, na nagbuhat sa bulsa ng mga mangggagawa”.

"Inaasahan din namin – pagpapatuloy pa ng National Immigration Board – na sa dekreto ng pagpapatupad ay hindi na magkaroon ng karagdagang mga requirements, tulad ng nangyari sa nakaraan, na maaaring maghatid ng anumang bentahan o mga pandaraya, na magbibigay panganib sa bansa at sa trabaho. Hinihiling din namin na matagpuan ang ang tamang pormulasyon na magpapadali ng prosedura upang maiwasan rin ang mga alitan at mga pagkaantala sa proseso ng administrasyon ".

 "Umaasa rin kami na ang pamahalaan ay nagnanais na bigyang halaga ang aming opinyon na taon ng nasa sektor na ito at patuloy na magbunga ang sinimulang adhikain”, pagtatapos ng komunikasyon.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

DepEd, magpapatupad ng prevention campaign laban sa Aids sa mga public schools

Walo na ang namatay ng mapinsalang Bagyong Gener