in

Walo na ang namatay ng mapinsalang Bagyong Gener

Manila, Agosto 1, 2012 – Ayon sa NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon, umakyat na sa walo ang patay dulot ng hagupit ng Bagyong Gener, tatlo naman ang sugatan. Naiulat na 44,902 ang mga pamilyang o 219,015 mga katao apektado nito. Samantala, 1,163 ang mga nasirang bahay, 7 kalsada at 24 na tulay namaa ang mga isinara.

Samantala, pinalikas na ang mga empleyado ng United Sates Embassy sa Manila dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha sa Roxas Boulevard. Pinasok na ng tubig-baha ang US Embassy, habang ang basement areas ng ilang hotels at gusali sa lugar ay apektado na rin ng baha.

Ayon sa mga ulat, isinarado na rin ang Roxas Boulevard kung saan abot-tuhod naang  baha dahil sa patuloy na malakas na pag-ulan at halos lampas tatlong-tao ang taas ng mga alon na humampas sa baywalk area.Maliban sa baha, nagkalat na rin ang tone-toneladang basura ditto na tangay ng alon mula sa Manila Bay.

 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Regularization: Huwag gawing pabigat sa mga manggagawa

Anu-ano ang mga requirements sa pag-aaplay ng tourist visa patungong Italya?