in

Ministry of Interior – Ang Regularization ay para lamang sa mga walang permit to stay

Ang Regularization ay para lamang sa mga irregular immigrants na walang permit to stay at hindi sakop nito ang mga mayroong permit to stay per cure mediche, per studio, per lavoro stagionale o per attesa asilo politico.

Roma, Agosto 6, 2012 – Ang Ministry of Interior, sa pamamagitan ng Circular n. 6410 ng July 27, 2012, ay nagbigay ng ilang paglilinaw ukol sa Legislative decree noong July 16, 2012 n. 109, (para sa transposisyon nang isang EU directive ukol sa mas mahigpit na mga parusa sa pagbibigay ng trabaho sa mga irregular non-EU nationals), sa pagbibigay ng pagkakataong mai-regularize ang sinumang ‘clandestine’. 

Maraming paglilinaw ang nasasaad ukol sa mga prinsipyo na napapaloob sa legislative decree ng July 6, 2012 n. 109:

ang aplikasyon ng regularization ay isusumite simula Sept 15 hanggang Oct 15 ayon sa mga pamamaraang ilalabas ng Interministerial decree sa lalong madaling panahon. Ang irregular employment ay dapat na nagsimula tatlong buwan bago simulan ang pagpapatupad ng batas, o dapat ay nagsimula bago sumapit o hanggang May 9, 2012 ngunit ang worker ay dapat na patunayan ang pananatili sa bansang Italya on or before Dec. 31, 2011.

Ngunit dahil ang Legislative Decree ay tumutukoy lamang sa mga dayuhang manggagawa nasa bansang Italya (at samakatuwid ay kabilang ang sinumang mayroong hawak ng espesyal na permit to stay o pending renewal). Isa sa lahat ng mga paglilinaw ang maituturing na napakahalaga: na ang declaration of regularization ay maaari lamang gawin para sa mga dayuhang ilegal na nananatili sa bansa, o ang mga tinatawag na ‘clandestines’ at hindi kaylanman nagkaroon ng anumang permit to stay ng anumang uri.

Ano ang ibig sabihin nito? Ang Circular ay tumutukoy na mananatiling hindi kabilang ang mga banyagang manggagawa na mayroong hawak na permit to stay na hindi nagpapahintulot upang magtrabaho at mga permit na hindi madaling mai-convert. Ito ay tumutukoy halimbawa sa mga nagtrabaho ng irregular o ‘in nero’ sa pagkakaroon ng permit to stay per motivo di lavoro stagionale, cure mediche, per studio o per asilo politico. Mananatiling hindi kabilang ang mga mayroong resibo ng request o renewal ng permit to stay sa nalalapit na regularization.

Samakatuwid, ang sinumang hindi nagkaroon ng anumang uri ng permit to stay, o ang sinumang hindi nag-aplay para sa issuance o renewal ng anumang uri ng permit to stay ang maaaring magkamit ng regularization upang matanggap ang permit to stay para sa trabaho (na nagtataglay rin ng mga requirements ng nasabing Regularization).

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

973 euros, karaniwang pay envelope ng mga imigrante

Human at economic resources, kinakailangan para sa mabisang pagpapatupad ng Regularization – Siulp