Roma – Agosto 8, 2012 – Sa isang pagpupulong na naganap noong Hulyo sa pagitan ng Ministero delle Infrastrutture e dei Trasporti at ng mga kinatawan ng Embahada ng Pilipinas ay tinalakay ang ilang paglilinaw ukol sa conversion ng mga driver’s license ng mga Pilipino sa Italya batay sa circular n. 52601/23.18.01 del 16/11/2006.
Napag-alamang mayroong mga aplikasyon ng conversion sa Italian driver’s license ng ilang mga Pilipinong naisyuhan ng Philippine license sa edad na 17. Sa ganitong mga kaso, ang aplikante ay dapat hintayin ang pagsapit ng ika-18 taong gulang dahil ang conversion ay maaari lamang gawin pagsapit ng edad na 18 ng aplikante at ang petsang lalabas sa converted license ay ang araw matapos ang ika-18 kaarawan ng aplikante.
Lumabas rin sa pagpupulong ang ilang mahahalagang bagay na dapat isaalang-alang sa Consular certificates tulad ng:
– paglilinaw sa ‘middle name’ at ito ay matatanggal lamang sa mga Italian driver’s license kung wala na ito sa Permit to stay ng aplikante
– pagtatanggal ng ‘citizenship’
– sa ilalim ng larawan ng aplikante ay matatagpuan ang date of issue ng nasabing dokumento
Ang conversion ng Philippines driver's license sa Italian driver's license